Thursday, April 10, 2025

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก: โ€œKwentong Kusinera: Ang Unti-unting Pagtikim ni Mommy Grace Tanfelix sa Mundo ng Content Creation" ni Arianne Gail E. Cabiles

 


Disenyo ni: John Maclen Dolor 

Inilathala ni: Kristine Joyce Soriano

Petsang Inilathala: Abril 10, 2025

Oras na Inilathala: 4:02 PM



Paghiwa ng sahog. Paghalo sa niluluto. Pagtaktak ng dalawang beses sa kaldero, sabay sabing โ€œokay na โ€˜to!โ€. Diyan nakilala ang isang kamakailan lamang sumikat na food content creator, si Grace Tanfelix o kung tawagin ay Mommy Grace.


Naging patok sa ibaโ€™t ibang social media platforms ang linya ni Mommy Grace na โ€œokay na โ€˜toโ€. Bagamat madalas niya itong gamitin bilang pag-apruba sa niluluto, nagkaroon ng mga kakaibang paraan ang netizens sa paggamit ng ekspresyong ito. Makikita at maririnig ang linya ni Mommy Grace sa mga mapang-aliw na bidyong gawa ng iba pang content creators na nagpapakita ng partikular na senaryo kung saan maaaring gamitin ang nasabing linya. Bukod pa rito, ikinatuwa ng marami ang pagsama nito kahit sa karaniwang pag-uusap lamang.


Ngunit, sa kabila ng tinatamasang kasikatan ni Mommy Grace ngayon ay mayroong isang kwento ng mapagmahal na ina at ang kaniyang hilig sa pagluluto. Isang paglalakbay na mainit-init hindi lamang para sa tiyan, kundiโ€™y pati na rin sa puso. Kaya naman, ating tuklasan ang mga hakbang na tinahak ni Mommy Grace patungo sa kaniyang maliwanag na buhay bilang isang content creator.


SA LIKOD NG KAMERA


Bago pa man naging sensasyon si Mommy Grace, nagsimula siya bilang isang stage mom sa kaniyang artistang anak na si Miguel Tanfelix. Iniwan ni Mommy Grace ang pagiging guro upang suportahan ang kaniyang anak sa mga aktibidad nito bilang isang aktor. 


Maraming taon ang inilaan ni Mommy Grace sa paggabay kay Miguel bago ito unti-unting hinayaang tumayo sa sarili niyang paa. Sa dyorney ni Miguel bilang isang child star patungo sa pagiging ganap na artista, malapit na nakasubaybay si Mommy Grace. Pinili ni Mommy Grace na personal na asikasuhin ang kaniyang anak kaysa sa ipagkatiwala ito sa iba, upang lubusang mabantayan at maprotektahan ito.


Kwento ni Mommy Grace, pasyon talaga ni Miguel ang pag-a-artista kayaโ€™t wala siyang narinig na reklamo mula rito. Inamin din ni Mommy Grace bago pumasok sa showbiz si Miguel na mahirap ang pagkamit nito. Subalit, sa huli, napagpasiyahan nila ng kaniyang asawa na suportahan si Miguel sa kaniyang kagustuhan, na tuloy-tuloy namang lumago.


Bilang isang ina, maraming naging sakripisyo si Mommy Grace upang masiguro ang kapakanan ng kaniyang pamilya. Tulad na lamang ng kaniyang pag-alis sa pagtuturo, may mga bagay talagang pinili ni Mommy Grace na pakawalan kapalit ng pag-aalaga sa mga mahal niya sa buhay. Gayunpaman, kahit nagsimula si Mommy Grace sa likod ng kamera, dumating naman ang pagkakataon na ang kamera na ang nakapokus sa kaniya, kung saan natutuhan niyang maging bida sa sariling istorya.


PATUNGO SA KUSINA


Sa umpisa ng kaniyang buhay content creator, unang ibinahagi ni Mommy Grace ang kaniyang mga bidyo na sumasabay sa mga usong sayaw sa tiktok. Ilan sa mga ito ay kasama niya ang kaniyang anak habang pareho nilang iginagalaw ang kanilang katawan sa tiyempo ng tugtog.


Naging malaki ang transisyon ni Mommy Grace mula sa pagsasayaw papunta sa pagluluto. Isang suhestiyon ni Miguel ang naging ugat ng kasikatan ni Mommy Grace sa kasalukuyan. Inirekomenda nito na subukang gawing content ng ina ang kaniyang pagluluto. Sinunod naman ito ni Mommy Grace, at kalaunaโ€™y umani ng sandamakmak na views, marahil sa kaniyang paboritong linya na โ€œokay na โ€˜toโ€.


Mula sa pagiging isang simpleng ina, nagkaroon ng sariling entablado si Mommy Grace upang maipamalas ang kaniyang kaalaman sa pagluluto at ang kwento ng kaniyang mga karanasan. Ngayon, hindi na lamang ang mga kagamitan sa kusina ni Mommy Grace ang ang sumusubaybay sa kaniya dahil mayroon na siyang libo-libo na tagasuporta.


Ngunit, hindi inasahan ni Mommy Grace ang malawakang pagkilala na kaniyang natanggap. Sa isang panayam, ibinahagi niya ang kaniyang nararamdaman tungkol dito. โ€œSobrang masaya po. Hindi ko rin po inexpect na magiging ganito yung pagtanggap sa akin ng mga tao," aniya. Talagang naging mapanibago ito para kay Mommy Grace.


ANG LASA NG TAGUMPAY


Walang ikukumpara ang anumang putahe sa lasa ng tagumpay na pinagsikapan, tulad ng kay Mommy Grace. Matapos maging sentro ng atensyon ang kaniyang mga bidyo, nakakuha ng iba't ibang endorsements at opportunidad si Mommy Grace bilang isang content creator. Naimbitahan siya na maging bisita sa mga palabas at naipakita ang kaniyang pagsubok sa pag-arte. Nabanggit din ni Mommy Grace na nagamit niya ang parte ng kaniyang kita sa pagbabahagi ng mga bidyo upang ipaayos ang kanilang kusina.


Subalit, bago sumikat si Mommy Grace ay nagbuhos muna siya ng tiyaga at sipag sa paggawa ng kaniyang mga content. Mula sa paghahanda ng mga kagamitan hanggang sa pag-edit, ginawa ni Mommy Grace ang lahat upang makapagbahagi ng mga bidyo tungkol sa pagluluto. Ipinagmamalaki naman ni Miguel ang kaniyang ina para sa kaniyang tagumpay at sinabing nararapat lamang ito dahil nagsikap si Mommy Grace. Ang kasikatan niya ngayon ay bunga lamang ng kaniyang kasipagan. Ika nga nila, pag may tiyaga, may nilaga!


Dagdag pa rito, nagbahagi rin si Mommy Grace ng kaniyang karanasan bilang isang housewife at tampok na content creator. "Sinasabi po nila housewife lang ako. Hindi po dapat natin ni-la-lang na housewife lang tayo kasi hindi natin alam kung anong mangyayari, mga Superwoman tayo eh. Multitasking tayong mga nanay, kaya nating gawin, pagsabay-sabayin lahat. And then explore niyo lang yung sarili niyo as a mom, marami kayong ma-di-discover na kaya niyong gawin," sabi ni Mommy Grace.


Abala si Mommy Grace hindi lamang sa pagluluto ng samu't saring pagkain kundi pati na rin sa pagiging mabuting ina. Kahit na hindi na mabilang sa kamay ang dami ng kaniyang mga taga suporta, nananatili pa ring masigasig si Mommy Grace at hindi nakakalimutan ang kaniyang mga tungkulin bilang isang nanay.


Sa bawat pagsindi ng kalan at paghain sa lamesa, makikita ang kahanga-hanga at masayang istorya ni Mommy Grace. Sa kaniyang mga bidyo, nasusubaybayan natin ang resulta ng kaniyang mga sakripisyo at pinagdaanan. Lagpas pa sa pader ng kanilang kusina ang mga karanasan ni Mommy Grace sa kaniyang buhay.


Isang magandang ehemplo si Mommy Grace ng pagkakaroon ng katatagan. Hindi man naging madali sa umpisa at kinailangan niyang bitawan ang ilang bagay, patuloy pa ring sumulong at humakbang si Mommy Grace sa buhay. Naging matagumpay naman ang bunga nito na makikita sa laganap na pagkilala kay Mommy Grace. 


Mula rito, masasabing hindi lamang sa pagluluto ang recipe na laging bitbit ni Mommy Grace. Bagkus, siya ay mayroon ding sikretong recipe sa pagiging espesyal na ina. Matapos ang lahat ng kaniyang pinagdaanan, matututunan natin kay Mommy Grace na hindi pa huli ang lahat para makamit ang anumang minimithi ng bawat isa dahil mayroong takdang panahon ang bawat pangyayari, kung saan maaaring tayo naman ang makaranas ng wagi at makapagsabi ng โ€œokay na โ€˜toโ€.



SANGGUNIAN:

[1] GMA Public Affairs. (2025, March 3). Mommy Grace ni Miguel Tanfelix, patok dahil sa linyang โ€˜Okay na โ€˜toโ€™ | Kapuso Mo, Jessica Soho [Video]. YouTube.

No comments:

Post a Comment