Natagpuang wala nang buhay si Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver Raymond Cabrera noong Hulyo 11 sa Barangay Batitang, Zaragoza, Nueva Ecija, halos dalawang buwan matapos siyang iulat na nawawala matapos umano’y holdapin at pagsasaksakin ng tatlong lalaking pasahero noong Mayo 18.
Ayon sa mga awtoridad, itinuro mismo ng dalawang suspek ang lokasyon kung saan nila itinapon ang katawan ng biktima.
Batay sa ulat ng GMA 7 programang '24 Oras,' madaling araw ng Mayo 18 nang sunduin ni Cabrera ang tatlong lalaking pasahero mula sa isang gusali sa ParaΓ±aque.
Sa kuha ng CCTV, napansin na hindi ang mismong nag-book sa ride-hailing app ang sumama sa biyahe.
Ilang sandali pa, bumalik sa pinanggalingang pick-up point ang sasakyan.
Sa footage, namataan ang isa sa mga suspek na dumampot ng kutsilyo mula sa isang halamanan.
Batay sa dashcam audio, malinaw na narinig ang paghoholdap, pagkuha ng cellphone ng biktima, at ang mararahas na pananaksak kay Cabrera.
“Narinig rin sa audio ang salitang ‘saksak’ at tila pagpapahirap sa biktima,” ayon kay Atty. Joseph Martinez, ahente ng NBI na humahawak sa kaso.
Kinahapunan ng Mayo 18, muling nakita sa CCTV ang sasakyan ng biktima sa Valenzuela City, kung saan namataan ang dalawang suspek na bumaba at sumakay sa isang pedicab, bago tuluyang lumipat sa ibang sasakyan.
Noong Hulyo 8, sumuko ang tatlong suspek sa tanggapan ni Manila Mayor Isko Moreno sa tulong ng kanilang pamilya at barangay officials.
"Humingi sila ng tulong kung paano sila susuko sa alagad ng batas," pahayag ni Moreno.
Sa panig ng isa sa mga suspek, sinabi nitong, “Disgrasya lang po talaga ang lahat… Sa NBI ko na lang po ipapaliwanag ang lahat.”
Ayon sa isang residente ng Zaragoza, “Dito, maraming nagtatapon ng bulok na hayop. Karaniwan na ho sa amin ang gano'ng amoy. Hindi namin inakalang tao pala 'yon.”
Dagdag pa ng Punong Barangay Orlando Bautista, “Ginagawa kaming tapunan ng basura eh. Maaaring may nakapapansin, pero iniisip lang na basura iyon.”
Umiiyak na humingi ng kapatawaran ang isa sa mga suspek sa pamilya ng biktima: “Kahit buong buhay ko, tatanggapin ko po ‘yung parusa.”
Kinumpirma ni NBI Director Jaime Santiago na positibong kinilala ng anak ang bangkay ni Cabrera batay sa kanyang suot na damit at sapatos, pati na rin sa surgical screw sa balikat at braso na tumutugma sa naunang bone fracture ng biktima.
MGA SANGGUNIAN:
[1] Sarmiento, D. (2025, July 11). Bangkay ng nawawalang TNVS driver natagpuan sa Nueva Ecija. ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/news/regions/2025/7/11/bangkay-ng-nawawalang-tnvs-driver-natagpuan-sa-nueva-ecija-0829
[2] Dabu, R. (2025, July 8). TNVS driver, hinoldap at brutal na pinatay ng 3 niyang pasahero; bangkay, hindi pa nakikita. KAMI. https://kami.com.ph/philippines/177388-tnvs-driver-hinoldap-brutal-na-pinatay-ng-3-niyang-pasahero-bangkay-hindi-pa-nakikita
[3] GMA Integrated News. (2025, July 10). 3 suspects in murder, robbery of TNVS driver in ParaΓ±aque surrender. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/metro/952221/3-suspects-in-murder-robbery-of-tnvs-driver-in-para-aque-surrender/story/
[4] Aquino, L. (2025, July 12). 3 suspects charged for killing TNVS driver. ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/news/nation/2025/7/12/3-suspects-charged-for-killing-tnvs-driver-2230
No comments:
Post a Comment