Inilathala ni: Lady Yoohee Catapang
Petsang Inilathala: Agosto 29, 2025
Oras na Inilathala: 6:00 PM
Matinding panimula ang pinakita ng Filipinas sa Group A match nang durugin ang depensa ng Timor-Leste, 7-0, sa kampanya sa Mitsui Sumimoto Insurance Group (MSIG) Serenity Cup 2025 sa Thailand, noong Agosto 7.
Sa umpisa pa lang, hindi pa man umaabot ng sampung minuto sa unang round, binasag na ng Filipinas ang depensa ng Timor-Leste. Mula sa mabilis na atake sa gitna, nakuha agad ang unang puntos, patunay ng kanilang gilas at bilis.
Pagkatapos nito, sinamantala ng Filipinas ang butas sa depensa ng kalaban. Isang mahabang pasa mula sa wing ang nagresulta sa malinis na tap-in para sa 2-0.
Di nagtagal, sa kalagitnaan ng first half, pinahirap pa lalo ng Filipinas ang sitwasyon para sa Timor-Leste. Isang malupit na volley mula sa gilid ng penalty area ang sumabog diretso sa net para gawing 3-0 ang talaan.
Bago matapos ang unang yugto, isang mabilis na counter-attack ang nagbigay ng ikaapat na puntos. Hindi na nakahabol ang depensa at tuluyan nang nalugmok ang Timor-Leste sa first half, 4-0.
Pagsapit ng second half, hindi bumitaw ang Filipinas. Mula sa isang corner kick, naipasok ang bola sa gitna ng masikip na depensa para sa 5-0 lead.
Makalipas ang ilang minuto, tila ensayo na lang ang galawan ng Filipinas. Isang one-two pass play ang nagresulta sa isa pang malinis na goal, 6-0.
At sa huling sampung minuto, tinuldukan ng Filipinas ang kanilang pahayag. Isang matinding strike mula sa labas ng box ang bumaon sa likod ng net, nagselyo sa 7-0 rout.
“Hindi lang ito tungkol sa goals, kundi sa chemistry at tiwala namin sa isa’t isa,” ayon sa striker ng Filipinas na si Sarina Bolden.
Susunod na haharapin ng Filipinas ang mas matinding kalaban, ngunit kung pagbabasehan ang kanilang pambungad, malinaw na sila pa rin ang paborito para sa titulo.
MGA SANGGUNIAN:
[1] Naredo, F. (2025, Agosto 7) "Football: Filipinas open MSIG Serenity Cup defense with rout of Timor Leste" https://www.abs-cbn.com/.../football-filipinas-open-msig.... ABS-CBN Sports"
[2] Javier, N. (2025, Agosto 7). Filipinas dominate Timor-Leste in ASEAN Serenity Cup title defense 7-0. https://www.gmanetwork.com/.../filipinas.../story/. GMA News Online.
[3] Ambat, P. (2025, Agosto 7). Filipinas dismantle Timor-Leste with 7-0 start at ASEAN Women's MSIG Serenity Cup 2025. https://www.onesports.ph/.../filipinas-philippines-timor.... OneSports.
No comments:
Post a Comment