Inilathala ni: Mherry Vhine Macalalag
Petsang Inilathala: Agosto 27, 2025
Oras na Inilathala: 9:12 AM
Kategorya: Tula
Tema: Paghahangad ng Pagmamahal ng Isang Ina
Hinahanap Ko ang Yakap Mo.
Sa amoy ng lumang bahay na walang sigla,
Hinahanap ko ang init ng yakap mong tila malimot na.
Ang gabi’y tahimik, tago ang mga tanong,
Bakit ako’y iyong nilimot, bakit di mo ako nakita?
Nag-aalimpuyo ang puso sa damdamin ng luha,
Galit, lungkot, at pangamba’y sabay na sumikip.
Ngunit sa bawat sandali ng paghimok ng pag-asa,
Umaasam pa ring madama ang pagmamahal na nawala.
Sa himig ng hangin sa likod ng mga bintana,
Naririnig ko ang bulong ng mga pangarap na nabigo.
Ang bisig mong dati’y di maramdaman, ngayo’y alaala,
Isang paglalakbay sa puso na nagigising sa dilim.
Ako’y isang lihim mong panalangin ba,
Na inilihim mo rin sa sariling kaba?
Mga tanong na matagal nang nakabaon sa dibdib,
Na walang katugunan, parang hangin na dumaraan lamang.
Ngunit sa paglipas ng bawat araw na malamig,
Unti-unting sumisibol ang pagtanggap sa puso.
Kung di man muling maramdaman ang yakap mong tunay,
Sa panaginip, sana’y madama ang pag-ibig na tunay.
Patawad sa mga tanong na di ko nasagot,
At sa lungkot na madalas pumuno sa dibdib ko.
Kahit ang pag-ibig mo’y malamig at malabo,
Minahal pa rin kita—hindi kailanman naglaho ang pag-asa.
Sa bawat gabi ng pangungulila’t dalamhati,
Nananalangin pa rin akong sana’y maramdaman ko rin,
Na kahit sa layo, puso ko’y sumisigaw ng kapatawaran,
At sana’y dumating ang araw ng tunay nating pagkikita.
Hanggang doon man, itinatago ko ang mga luha,
Dahil sa kailaliman ng puso’y may liwanag pa rin na nag-aalab.
Isang yakap na pinapangarap, isang pagmamahal na di magwawakas.

No comments:
Post a Comment