Inilathala ni: Jielian Lobete
Petsang Inilathala: Setyembre 26, 2025
Oras na Inilathala: 2:30 PM
Mahigit 100,000 Pilipino, kabilang ang mga artista, mag-aaral, at manggagawa, ang nagprotesta laban sa korapsyon sa malakihang rally na “Baha sa Luneta” at “Trillion Peso March” na ginanap sa Luneta Park at EDSA nitong Linggo, Setyembre 21.
Ayon sa grupong BAYAN, umabot sa 100,000 ang kabuuang bilang ng mga dumalo mula 6:00 N.U. hanggang N.G., kabilang ang mga nasa EDSA Shrine at White Plains Avenue, samantala, iniulat naman ng Manila Public Information Office na 49,000 ang naitala sa Luneta Park bandang 10:25 N.G.
Layunin ng protesta na ipanawagan ang pananagutan ng mga tiwaling opisyal sa gobyerno matapos mabulgar ang umano’y anomalya sa flood control project at bilyon-bilyong pisong naibulsang buwis na ikinagalit ng taumbayan.
Dumalo at nagsalita ang ilang personalidad gaya nina Vice Ganda, Maris Racal, at Andrea Brillantes, sa kaniyang talumpati, hinamon ni Vice Ganda si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na papanagutin ang mga sangkot sa korapsyon, bawiin ang mga ari-arian, at ibalik ang death penalty para sa mga kurakot, isang panawagang sinalubong ng malakas na sigaw ng suporta mula sa mga nagprotesta.
Gayunman, nauwi sa kaguluhan ang mapayapang kilos-protesta sa bandang Recto Avenue at Mendiola nang maghagis ng mga bato at bote ang ilang naka-maskarang indibidwal.
Umabot sa 244 ang inaresto, kabilang ang 103 menor de edad, habang ilang pulis at sibilyan ang nagtamo ng sugat.
Nagbabala ang mga lider-estudyante na maglulunsad pa ng serye ng kilos-protesta kung hindi kikilos ang pamahalaan laban sa mga malalaking kaso ng katiwalian.
Kasabay ng Luneta rally, nagsagawa rin ng mga anti-korapsyon na pagkilos at prayer rallies sa Cebu, Bohol, Bacolod, Baguio, Laoag, Tuguegarao, San Fernando (La Union), Olongapo, Iloilo, Pangasinan, Dumaguete, at Cagayan de Oro.
MGA SANGGUNIAN:
1. ABS-CBN News. (2025, September 21). Protest turns into a deadly riot as demonstrators attack establishments along Recto Avenue. ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/news/nation/2025/9/21/protest-turns-into-deadly-riot-as-demonstrators-attack-establishments-along-recto-avenue-2027
2. GMA News Online. (2025, September 21). Police on full alert but no threats on September 21, 2025 Luneta protest so far. GMA News. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/metro/959148/police-on-full-alert-but-no-threats-on-september-21-2025-luneta-protest-so-far/story
3. ABS-CBN News. (2025, September 21). [Facebook post about the “Baha sa Luneta / Trillion Peso March protest]. Facebook. https://www.facebook.com/share/p/17EQi1PJJD/
4. ABS-CBN News. (2025, September 21). [Facebook post with updates from Recto/Mendiola riot]. Facebook. https://www.facebook.com/share/r/1GNLFNVZ6R/
5. ABS-CBN News. (2025, September 21). [Facebook post about Vice Ganda’s speech / public reaction]. Facebook. https://www.facebook.com/share/v/19fzBz9dAC/
6. GMA News Online. (2025, September 21). Protests, prayer rallies held in areas in the Visayas. GMA Regional TV. https://www.gmanetwork.com/regionaltv/news/110316/protests-prayer-rallies-held-in-areas-in-the-visayas/story
7. The Philippine Star. (2025, September 225, September 21). Sept. 21 rallies ripple across northern cities, Mindanao against corruption. The Philippine Star. https://www.philstar.com/nation/2025/09/21/2474420/sept-21-rallies-ripple-across-northern-cities-mindanao-against-corruption
8.GMA News. (2025, September 21). 17 na inaresto matapos magtangkang makarating sa Mendiola; 30 pulis sugatan sa kaguluhan [Video]. Facebook. https://www.facebook.com/share/v/1GKivJ8Y5w/
9. GMA News. (2025, Setyembre 21). Facebook. https://www.
facebook.com/share/p/18qvFnx51Q/
No comments:
Post a Comment