Tuesday, September 30, 2025

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: "Mayor Isko pinabulaanan ang ulat ng pamamaril sa Recto" ni Khitch Chino D. Buan


Inilathala ni: Jielian Lobete 

Petsang Inilathala: Setyembre 30, 2025

Oras na Inilathala: 9:53 AM

Mariing itinanggi ni Manila Mayor Isko Moreno na nagpaputok ng baril ang kapulisan sa kaguluhan sa Recto Avenue noong Linggo, Setyembre 21, at iginiit niyang walang nasawi sa insidente.

Ito’y matapos mauwi sa karahasan ang kilos-protesta laban sa umano’y multi-trillion-peso flood-control scam sa Mendiola, na nagresulta sa pagkakaaresto ng higit 100 katao, kabilang ang mga menor de edad, at pagkakasugat ng maraming pulis.

Ayon sa Manila Police District, 72 katao ang unang nahuli, kabilang ang 20 menor de edad, na nasakote sa Ayala Bridge at Mendiola matapos maghagis ng bato, bote, at iba pang matitigas na bagay na nagdulot ng pagkakasugat ng 90 pulis, kung saan ilan ay nagtamo ng malalalim na sugat at bali sa katawan.

“Utak adik, utak talangka, matatapang lang ’yan pag magkakasama sila, kita mo ngayon, nag-iiyakan,” ani Moreno matapos inspeksyunin ang lugar.

Giit niya, “Walang nagpaputok ng baril, kaya nga pinagpapasalamat ko na kahit sugatan ’yung mga pulis, talagang maximum tolerance… Salamat sa Diyos, wala namang nasawi.”

Lumabas sa imbestigasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ang grupo ay sinadyang manggulo at gumaya sa mga riot sa ibang bansa, batay sa mga nakalap na impormasyon sa social media na nag-udyok sa mga kabataan na magsuot ng balaclava at magtago ng pagkakakilanlan habang bitbit ang itim na bandila ng Straw Hat Pirates mula sa sikat na anime na One Piece.

Ipinahayag ni NCRPO Chief PBGen. Anthony Aberin na isang lokal na rapper umano ang nag-udyok sa mga kabataan na sumama at gumamit ng taktikang “No face, no case,” na nagpalala sa sitwasyon at nagresulta sa pinsala sa pampubliko at pribadong ari-arian.

Habang nagpapatuloy ang pagproseso sa mga naaresto, tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mananatiling protektado ang karapatan ng mga mapayapang nagpoprotesta ngunit inatasan ang pulisya na mahigpit na hulihin ang mga pasimuno ng kaguluhan upang mapanatili ang kaayusan.

MGA SANGGUNIAN:

[1] Dizon, D. (2025, September 22). Mendiola rioters wanted to copy riots in other countries – NCRPO. ABS-CBN News. http://abs-cbn.com/news/nation/2025/9/22/mendiola-rioters-wanted-to-copy-riots-in-other-countries-ncrpo-1033

[2] Eugenio, A. (2025, September 21). Thousands take to streets as Filipinos protest flood control fraud. ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/news/nation/2025/9/21/thousands-take-to-streets-as-filipinos-protest-flood-control-fraud-2307

[3] Gasgonia, D. (2025, September 21). Manila Police: 72 arrested due to violent acts during Sept. 21 protests. ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/news/regions/2025/9/21/residents-lgus-in-bulacan-lead-calls-for-accountability-in-flood-control-scandal-2222

[4] Delgado, H. (2025, September 21). Marcos orders maximum tolerance amid rally tensions, but unruly protesters will be arrested. ABS-CBN News. http://abs-cbn.com/news/nation/2025/9/21/marcos-orders-maximum-tolerance-amid-rally-tensions-1907

[5] Sitson, C. (2025, September 22). Moreno says no police gunfire, no deaths reported in Recto incident. ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/news/nation/2025/9/22/moreno-says-no-police-gunfire-no-deaths-reported-in-recto-incident-0201

 

No comments:

Post a Comment