Tuesday, September 30, 2025

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”π—‘π—š π—œπ—¦π—£π—’π—₯𝗧𝗦: "TAPIK NG KAMALASAN: Alas Pilipinas kinapos kontra Iran sa limang set na bakbakan" nina Shenel Sheina Castillo at Michael Angelo Marquez



Disenyo ni: Paul Quijano

Inilathala ni: Jielian Lobete 

Petsang Inilathala: Setyembre 30, 2025

Oras na Inilathala: 11:08 AM 


Nagulantang ang Alas Pilipinas laban sa ika-16 sa world ranking na Iran nang magtagumpay ang net touch challenge ng Iran sa pangwakas na puntos ng Alas, 21-25, 25-21, 17-25, 25-23, 22-20, sa FΓ©dΓ©ration Internationale de Volleyball (FIVB) Men’s World Championship 2025 Group C sa Mall of Asia Arena noong Huwebes, Setyembre 18.


Umapela ng Net touch challenge ang Iran sa Middle Blocker ng Alas na si Kim Malabunga matapos ang monster block niya na sa pag-aakala ng marami na nagtapos ng laban, 20-18, ngunit naging matagumpay ang challenge dahil hindi pa nakakababa ang bola nang mawalan ng balanse si Malabunga at nahawakan ang net na nagsanhi ng pagkawala ng momentum ng alas at nag dulot ng kanilang pagkatalo sa ikalimang set.


Dinala ng kapitan at outside hitter ng Alas Pilipinas na si Byran Bagunas ang kanyang koponan na nagpakawala ng 22 na puntos, ito ang una niyang torneo kasama ang ating national team matapos ang kanyang Anterior Cruciate Ligament (ACL) injury.


Sinundan naman ng opposite hitter ng Alas na si Leo Ordiales ang opensa ng Alas Pilipinas nang kumana siya ng 21 na puntos, nagtala rin sina Marck Espejo ng 15 na puntos at Malabunga na may 10 na puntos.


“Ibinuhos namin ang lahat sa loob ng court, at kahit kinapos kami, napatunayan naming kayang makipaglaban ng Pilipinas sa pinakamahuhusay sa mundo,” ani ni Espejo, bitbit ang bandera ng Alas Pilipinas.


Agad ipinakita ng Iran ang kanilang dominasyon sa unang set, mabilis nilang pinatakbo ang laro gamit ang kanilang matataas na block na nagpahirap sa Alas Pilipinas sa gitna, at nagpakawala ng matitinding serves para agawin ang panalo.


Hindi nagpatalo ang Alas Pilipinas at agad bumawi sa ikalawang set, sinamantala ng Alas ang puro error na Iran at matibay na depensa mula kay Josh YbaΓ±es at Espejo na nagbigay daan para makuha ang set.


Sa ikatlong set, hindi nagpatinag ang Alas Pilipinas at ipinagpatuloy ang kanilang agresibong laro, sa pinagsamang magandang block timings at epektibong pipe attacks nakuha ng Alas Pilipinas ang panalo na siyang nagbigay ng bagong pag-asa at nagpakita na kaya nilang tapatan ang Iran.


Muling ipinamalas ng Iran kung bakit sila angat sa Asya, sa ikaapat na set, ginamit nila ang kanilang kalamangan sa height at pinakinabangan ang ilang service errors ng Alas at agad sinelyohan ang set upang itabla ang set.


Sa do-or-die set, ibinuhos ng Alas Pilipinas ang lahat ng puso at lakas, ngunit ngunit nanaig pa rin ang Iran kahit naitabla nila ang early lead nito, 15-11.


Bagama’t hindi natuloy ang pangarap, umani ng respeto ang Alas Pilipinas sa international stage. Napatunayan nila na kaya nilang makipagsabayan sa isa sa pinakamalalakas na koponan sa Asya.


Bago ang mapoot na pagkatalo ng Alas sa Iran, nagtakda ang Alas ng makasaysayang panalo kontra Egypt na ika-22 na team sa buong mundo na nagpa-angat ng kanilang rango sa 77, 29-27, 23-25, 25-21, 25-21, ito ang unang panalo ng Alas sa World Championships ng FIVB.


Habang tuloy ang laban ng Iran sa Round of 16, uuwi ang Alas Pilipinas dala ang dangal ng Group C at ang paniniwalang ang kanilang laban sa World Championship ay simula pa lamang ng pag-angat ng Pilipinas sa pandaigdigang entablado.


MGA SANGGUNIAN: 


[1] Isaga, J. (2025, Setyembre 18). History halted: Iran eliminates valiant Alas Pilipinas in 5-set heartbreaker. https://www.rappler.com/sports/volleyball/match-results-philippines-iran-fivb-men-world-championship-september-18-2025/


[2] Caacbay, K. (2025, Setyembre 18). FIVB Worlds: Heartbreaker as gallant Alas Pilipinas Men fall to higher-ranked Iran. https://www.abs-cbn.com/sports/volleyball/2025/9/18/fivb-worlds-heartbreaker-as-gallant-alas-pilipinas-fall-to-higher-ranked-iran-1954


[3] Javier, N. (2025, Setyembre 18). Alas Pilipinas bows out of FIVB Worlds as Iran books Round of 16 spot. https://www.gmanetwork.com/news/sports/volleyball/959621/alas-pilipinas-bows-out-of-fivb-worlds-as-iran-books-round-of-16-spot/story


[4]. Inquirer.net (2025, Setyembre 18). LIVE: Alas Pilipinas vs Iran - FIVB Men's World Championship 2025. https://sports.inquirer.net/640486/live-alas-pilipinas-vs-iran-fivb-mens-world-championship-2025

No comments:

Post a Comment