Friday, October 3, 2025

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Kathang-isip” ni Izzy A. Bombasi

 


Inilathala ni: Jellyssa Boniza

Petsang Inilathala: October 3, 2025

Oras na Inilathala: 6:52 AM


Kategorya: Tula

Tema: Bawat imahinasyon na puno ng sakit at panalangin

Sa bawat haplos ng gunita
tila tunay kang nadarama,
sinisinta’t inaalala—
kahit sa panaginip lang nagaganap
ang paghawak kong pinapangarap.

Ikaw ang musika sa aking isip,
ang ilaw sa madilim na gabi,
sa bawat saya ikaw ang dahilan,
sa bawat luha ikaw din ang takbuhan.

Kaya mas pinipili kong pumikit,
sapagkat mas payapa
ang mundo ng panaginip
kaysa sa realidad na walang halik.

Bagamat kathang-isip ang lahat,
ito’y kayamanang di ko maiwan—
isang alaala ng pag-ibig
na nakakulong sa aking isip,
nagbibigay-buhay sa aking dasal,
at ang pag-asang muling mamahal.

Ngayon, tinatanggap ko ang hangganan—
na ako lamang ang umibig,
na ikaw ay saglit lang nagparamdam,
Ngunit masaya sa pagkakataong nahawakan,
na mahalin ka, kahit sa imahinasyon lamang.

No comments:

Post a Comment