Inilathala ni: Zenie Lynn Caguing
Petsang Inilathala: October 6, 2025
Oras na Inilathala: 2:23pm
Kategorya: Tula
Tema: Malayang pagtanggap sa sakit at pagtatapos ng kuwento.
Sa pagsabay ng ikot ng mundo,
Panghabangbuhay na iyong ipinangako,
Mga kamay ay nagmistulang kandado,
Bakit ang pintig ng puso mo'y biglang nagbago?
Bumalikwas ang dating daloy ng dugo,
At sa bawat paglamig ng salitang "tayo",
Ay isang mundo ang naglalaho,
Sa isang landas na inihanda ng mga tala,
Kung saan ang tanging matitira ay isang alaala.
Kasabay ng pagdapo ng dilim,
Ang pagmamahalan natin ay tahimik na inilibing,
Pinilit kong panghawakan ang nakaraan,
Subalit ang oras ay tumanggi sa pag-usad.
Hindi man sumang-ayon ang mundo,
Ang pighati ay nanatiling interesado,
At sa bawat pagpatda ng bawat sigundo,
Kailangan nang punitin ang pahina ng ating kuwento.
No comments:
Post a Comment