Monday, September 7, 2026

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Ang Pag-asa sa Silid ng Paglisan” ni Krissha Cassey T. Gudio


Disenyo ni: Courtney Joy Ocampo

Inilathala ni: Julianne Faula Lugod 

Petsang Inilathala: Setyembre 7, 2026

Oras na Inilathala: 6:46 AM


Kategorya: Tula

‎Tema: Hindi ako naniniwalang masikip at malungkot sa lugar na puno ng paglisan. 

‎Kailan nga ba sumibol ang kalungkutan sa salitang paglisan? 

‎Dahil ba sa damdaming puno ng poot sa kinabukasan? 

‎O kaya sa bawat bakas na pilit pinupulot‚

‎At sa orasang sira na pilit ding pinapaikot. 

‎Hindi lahat ng paglayo ay sumisimbulo sa kalungkutan‚

‎Kahit na ang kahulugan nito ay may maiiwan‚

‎Paano kung ang paghakbang ay panibagong simula? 

‎Na ang bawat paalam ay pagbubukas ng panibagong paksa? 

‎Ngunit kahit nakakalat pa rin ang anino sa bawat sulok ng silid‚

‎At may mga alaala na bumabalot sa tahimik na paligid‚ 

‎Mayroon pa ring saya sa kabila ng pagsasara‚

‎Hindi lang puro pagtangis at pagluha. 

‎Kaya hindi ibig sabihin ng pagbitaw ay pagkasawi‚

‎Sapagkat may pag-asa pa ring nagagawi.

‎Bagaman may pangakong napatid‚

‎Mayroon pa ring magandang umaga na marahang naghahatid. 

‎Maging sa lugar na puno ng pang-iiwan‚

‎Mayroon pa ring nangingibabaw na kasiyahan na siyang pinanghahawakan. 

‎Sapagkat sa bawat yapak na lumalayo‚

‎Ay pangarap na unti-unting nabubuo.


 

No comments:

Post a Comment