Disenyo ni: Monique Baban
Inilathala ni: Jannah Pauline Beldad
Petsang Inilathala: Oktubre 01, 2026
Oras na Inilathala: 9:06 AM
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang bagong batas na nagsusulong sa pagpapaliban ng nakatakdang Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Nobyembre, upang iusog sa Nobyembre 2028, noong Biyernes, Setyembre 25, 2026.
Ipinasa ng Kongreso ang panukalang pagpapaliban sa nalalapit na BSKE at pagpapalawig sa termino ng mga opisyal sa limang taon na ipinadala sa Palasyo noong Huwebes, para mapirmahan ni Marcos upang maging ganap na batas.
"Sa paglagda natin sa Republic Act No, 12326, na nagtatakda ng limang taong termino para sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan, malinaw ang ating inaasahan sa ating mga kasalukuyang opisyal."
“Gamitin ang panahong ito upang mas pagbutihin ang serbisyo, tapusin ang mga nasimulang programa at mas tutukan ang pangangailangan ng bawat komunidad, pamilya at kabataan," sabi ni Marcos sa Facebook page.
“Hindi ito dagdag na panahon sa puwesto. Dagdag itong panahon ng pananagutan sa taumbayan.” dagdag pa niya.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nilagdaan nitong Biyernes ang panukala sa isang press briefing noong Biyernes, sa Ilocos Norte.
Paglilinaw ni Castro, nakita ng pangulo at iba pang mambabatas ang importansya ng mga opisyal ng barangay, kabilang ang pagpapanatili ng kapayapaan at kalinisan sa komunidad.
Dagdag pa niya na magbibigay-daan ang pagpapahaba ng termino upang maisagawa ng mga opisyal ang mga pangmatagalang plano at aniya, hindi ito ginawa para maging tamad ang mga opisyal.
"Ito ay para sila magtrabaho. Kaya para sa mga barangay officials, ang kailangan po namin ay trabaho mula sa inyo," ani Castro.
Ang bagong petsa ng BSKE ayon sa batas ay gaganapin sa ikalawang linggo ng Nobyembre 2028.
SANGGUNIAN:
Mangaluz, J. (2026, September 25) Batas na nag-uurong sa Brgy. at SK elections upang gawin sa Nov. 2028, pirmado na ni Marcos. GMA News. https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/1003722/batas-na-nag-uurong-sa-brgy-at-sk-elections-upang-gawin-sa-nov-2028-pirmado-na-ni-marcos/story/

No comments:
Post a Comment