Disensyo ni: Sophia Gavin
Inilathala ni: Mardin Rheyziel Nungay
Petsang Inilathala: Nobyember 24, 2026
Oras na Inilathala: 11:54 AM
Dumating si United States (US) President Donald Trump sa Pilipinas para sa pagtitipon ng 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at mga kaugnay na pagpupulong nitong hapon ng Martes, Nobyembre 17, 2026.
Lumapag ang Air Force One na ginamit ni Trump kasama ang kaniyang mga delegado na sila US Secretary of State Marco Rubio at Treasury Secretary Scott Bessent sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na siya namang sinalubong nina House Majority Leader at Presidential son Rep. Sandro Marcros, Executive Secretary Ralph Recto, Philippine Ambasador to Washington Jose Manuel Romualdez, US Ambassador to the Philippines Lee Lipton, at Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano.
Sa kaparehong araw, ginanap ang ASEAN-US Summit kung saan binigkas ni Trump kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kinikilala nito ang mga magulang ng lider ng Pilipinas, tila inilarawan pa nito na, “ they were great.”
Nagbigay din ng personal na katiyakan kung saan binigkad nito na suportado ng Amerika ang mga kaalyadong bansa sa Southeast Asia, kabilang na ang Pilipinas na inilalarawan niyang mas naging malapit ang ugnayan dahil sa personal na relasyon.
“We’ve also significantly increased our defense cooperatuon with the Philippines, which historically has been a key US ally. But I don’t think we’ve ever been closer than we are right now because of our personal relationship,” saad ni Trump sa kaniyang talumpati.
“And when there’s a problem, you’ll call me. You’ll call Marco. You’ll call others. And if they don’t respond, call me. I’ll take your call,” dagdag nito.
Sambit din Trump na magmula sa Pilipinas hanggang sa iba’t ibang bansa ng Southeast Asia at sa Indo-Pacific, isa raw ito sa mga pinakamasigla at pinakamasaganang produksyon na rehiyon sa mundo na punong-puno ng potensyal, at dagag nito na mas madaling bumuo ng relasyon dahil kakilala niya ang mga taong kasama niya sa pagtatrabaho na siyang ikinagaan umano ng kaniyang loob.
“I’m here today because America is deeply committed to the success, sovereignty, and prosperity of our many friends and partners, many of whom are at this table right now. But partners in the region, and we always will be. We’re with you always,” sabi pa ng US president.
Ibinahagi rin ni Trump na simula nung siya ay bumalik sa pwesto, natapos ang mahahalagang kasunduan pag dating sa kalakalan ng US kasama ang mga bandang Malaysia, Cambodia, Indonesia, gayundin sa Japan, South Korea, na siyang nagbigay daan sa pagpapatatag ng relasyon ng mga kasama sa naturang pagtitipon.
SANGGUNIAN:
FRJ. (2026, November 18). Trump kay Marcos: “When there’s a problem, call me.” GMA News. https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/1009873/trump-kay-marcos-when-there-s-a-problem-call-me/story/
FRJ. (2026, November 17). US Pres. Donald Trump, dumating na sa Maynila para sa ASEAN Summit. GMA News. https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/1009837/us-pres-donald-trump-dumating-na-sa-maynila-para-sa-asean-summit/story/

No comments:
Post a Comment