Disenyo ni: Monique Baban
Inilathala ni: Keshia Gwyneth Esposa
Petsang Inilathala: Nobyembre 24, 2026
Oras na Inilathala: 11:37 AM
Inilarawan ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules, Nobyembre 18, na mapayapa ang naging takbo ng seguridadsa ASEAN Summit 2026, sa kabila ng ilang kaguluhan.
“Generally peaceful with some pockets of minor disturbances,” ani PNP spokesperson Police Brigadier General Allen Rae Co.
Itinanggi rin ni Co ang mga alegasyon ng pagmamalupit ng mga pulis, ayon sa grupo ng mga nagprotesta sa Camp Crame nitong Miyerkules.
Iginiit niyang pinahintulutan ng mga awtoridad ang mga demonstrador na ihayag ang kanilang hinaing at walang naganap na pagmamalupit.
Dagdag pa ni Co na kinakailangan pang beripikahin ng PNP ang mga ulat na aabot sa 300 demonstrador ang inaresto sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Kinumpirma naman ni Co ang mga pag-aresto sa Liwasang Bonifacio sa Maynila at sa Muntinlupa, kung saan sinampahan na ng mga kaukulang kaso ang mga nadakip.
Samantala, nagpasalamat din ang PNP sa mga katuwang na ahensiya ng pamahalaan, mga mamamahayag, at publiko sa kanilang pakikiisa upang matiyak ang ligtas at mapayapang pagsasagawa ng ASEAN Summit 2026.
SANGGUNIAN:
Philippine National Police. (2026, November 18). PNP: ASEAN Summit 2026 generally peaceful despite minor disturbances. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/1009955/pnp-asean-summit-2026-generally-peaceful-despite-minor-disturbances/story/

No comments:
Post a Comment