Tuesday, June 7, 2022

LITERARYO: "Memorya" isinulat ni Francine Dianne Ambayec

-

Kategorya: Tula

Tema: Pagtatapos

Sinopsis: Buksan ang panibagong pintuan

Gamit ang susi ng karunungan

-

Ating balikan ang simula ng eskwela

Bagong guro't kaibigan na napakakwela

Gurong minsa'y nauubos na ang pasensya

Sa mga estudyanteng kasing ingay ng lata

Pagsusulit na kay hirap sagutan

Mga Leksyong tinuturo'y nalilimutan

O di kaya'y kagrupong hirap pakiusapan

Ang alalalang babaunin para sa kinabukasan

Sa inyong pagbubukas ng panibagong pintuan

Gawin sanang inspirasyon ang mga karanasan

Iyak at pagod ay gawing kalakasan

Para sa pangarap na pinipilit makamtan

Ang toga't diplomang resulta ng kasipagan

Ngiting dadalhin sa bagong pagdaraanan

Pagsusumikap at kahusayan ay gawing hagdan

Upang mas maabot ang tuktok ng kaligayahan

-

Published by: Julianne Andrei Batiao

Date published: June 7, 2022

Time published: 12:58 pm


No comments:

Post a Comment