ππ΄π’π―π¨ π΄πΆππΊπ’π± π΄π’ π¬π’ππ’π¬π’ππ’π―, π¬π’π΄πΆπ―π₯πΆπ’π―, π’π΅ π¬π’π±π’π―π¨πΊπ’π³πͺπ©π’π―.
Sa harap ng balitang bumaba ang taripa ng ilang produktong Pilipino sa Amerika mula 20% patungong 19%, madaling ipalagay na may natamong tagumpay ang bansa. Subalit kung ihahambing sa ipinataw sa ibang karatig-bansa—Vietnam, Indonesia, Thailand—makikitang pareho lang ang π³π’π΅π¦. Samantalang sa Japan at South Korea ay mas mababa pa ang taripa na nasa 15%. Hindi rin natin maikakaila ang lantarang pagpayag ng pamahalaan ng Pilipinas na hayaang makapasok sa bansa ang ilan sa mga produktong Amerikano nang walang buwis. Sa ilalim ng ganitong ugnayan, napakahirap makumbinsing tayo ay nakinabang.
Hindi dapat tumigil ang pagsusuri sa nominal na pagbabawas ng taripa. Sa likod ng estadistikang ito, kapansin-pansin ang lantarang pagbubukas ng lokal na pamilihan sa mga produktong banyaga. Hindi ito simpleng palitan, kundi isang hakbang na tila mas pinaboran ang panig ng Amerika. Ang ipinagpalit ng bansa—ang higit na access sa merkado—ay hindi matutumbasan ng kaunting ginhawa ng 1% na bawas para sa π¦πΉπ±π°π³π΅π¦π³π΄.
Habang lumalawak ang presensya ng mga banyagang produkto sa ating mga tindahan, nananatili namang sarado ang merkado ng Amerika para sa mga maliliit na negosyanteng Pilipino. Hindi ito simpleng usapin ng kompetisyon; ito ay patunay ng struktural na kawalan ng balanseng ugnayan sa kalakalan. Sa ganitong kalakaran, hindi nakapagtatakang dumausdos ang lokal na kabuhayan.
Hindi matatawaran ang sakripisyong pinasan ng lokal na industriya. Para sa mga gumagawa ng π©π’π―π₯πͺπ€π³π’π§π΅π΄ at π±π³π°π€π¦π΄π΄π¦π₯ π¨π°π°π₯π΄, ang pag-asa sa pandaigdigang merkado ay nananatiling malabo. Mataas pa rin ang gastos sa produksyon, maliit ang inaasahang kita, at tuluy-tuloy ang pagkalugi. Sa kabuuan, ang ipinagmamalaki bilang benepisyo ay hindi sapat upang palakasin ang ekonomiyang nakasandig sa mga maliliit na negosyo.
Subalit higit pa sa ekonomiya ang kasangkot. Sa anino ng kasunduang ito, muling pinagtibay ang ππΆπ΅πΆπ’π ππ¦π§π¦π―π΄π¦ ππ³π¦π’π΅πΊ—kasama ang dagdag na presensya ng base-militar ng Amerika sa bansa. Sa puntong ito, kailangan nating pag-isipan kung ang ganitong uri ng kasunduan ay isa nga bang proteksyon o lantarang pag-anyaya sa pagusbong ng tensyon na maaaring maging sanhi ng bagong panganib sa bansa.
Ang pagsusuri sa ganitong kasunduan ay hindi simpleng pagbatikos sa pamahalaan. Isa itong paanyaya sa mas malalim na pag-unawa sa mga patakarang gumuguhit sa direksyon ng ating bayan. Kung hindi tayo makikilahok sa diskurso, mananatiling nakabitin ang kapalaran ng mga sektor na bayan na tila nasalat na ang pag-asa at napako na sa laylayan.
Sa nasabing kasunduan, tayo nga ba ay tunay na nakinabang, o isa lamang itong tahimik na pagsuko sa harap ng dayuhang impluwensiya?
Sa panahon kung kailan ang mga kasunduang pang-ekonomiya ay may direktang epekto sa pambansang soberanya at kabuhayan, mahalagang kumilos ang bawat sektor ng lipunan.
Ang kabataan ay hindi dapat manatiling tagamasid. Sa kanilang likas na kuryosidad at kasiglahan, nariyan ang kakayahang magsaliksik, magtanong, at makilahok sa mga diskursong may kaugnayan sa kinabukasan ng bayan. Sa panahon ng mabilisang impormasyon, ang pagkamulat ay isang hakbang patungo sa makabuluhang pakikilahok.
Ang mga institusyon ng edukasyon ay may tungkuling gawing bukΓ‘s ang silid-aralan sa mga isyung panlipunan. Hindi sapat ang pagtuturo ng teorya—kailangan itong itulay sa aktuwal na kalagayan ng bansa. Sa ganitong paraan, ang pagkatuto ay nagiging mas makabuluhan, mas nakaugat sa karanasan ng mamamayan.
Dapat magpakita ang pamahalaan ng mas malinaw na pananagutan sa bawat kasunduang pinapasok. Hindi sapat na ito'y dumaan sa legalidad; kailangang ito'y makatao at maka-bayan. Sa paglalatag ng mga kasunduan, sikaping ipaliwanag sa publiko ang tunay na benepisyo, ipakita ang proseso, at makinig sa mga puna. Ang pamumuno ay hindi pagtatakda lamang ng patakaran kundi pagbibigay-linaw sa mga desisyong may direktang epekto sa buhay ng nakararami.
At para sa bawat mamamayan, ang pananahimik ay hindi palaging simbolo ng kapayapaan. Sa lipunang demokratiko, ang pagtatanong ay karapatan, ang pagtutol ay bahagi ng π€π©π¦π€π¬ and π£π’ππ’π―π€π¦, at ang pakikilahok ay pundasyon ng tunay na pagbabago. Sa gitna ng bukΓ‘s na tarangkahan, ang tanong ay nananatili: sino ang may hawak ng susi? Handa ba tayong gamitin ito para sa ikabubuti ng sambayanan?
Maging mapanuri. Makilahok nang may layunin. Sapagkat ang kinabukasan ng sambayanan ay nararapat lamang na ipinaglalaban.
Mga Sanggunian (APA format):
[1] PBBM’s US visit strengthens PH global standing - Romualdez. (n.d.). Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1254914
[2] PBBM transforms, reinvigorates PH-US alliance through EDCA. (n.d.). Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1244391
[3] Reuters. (2025, August 1). Relief in Southeast Asia as U.S. imposes 19% tariff across region. https://www.reuters.com/world/asia-pacific/relief-southeast-asia-trumps-tariffs-level-playing-field-2025-08-01
Inilathala ni: Jigger Von Malenab
Petsang Inilathala: Agosto 11,2025
Oras na Inilathala : 2:25 pm
No comments:
Post a Comment