Dibuho ni: Clark Gabriel Sancho Gonzales
Inilathala ni: Francen Anne Perez
Petsang Inilathala: Marso 24, 2026
Oras na Inilathala: 11:17 AM
Sa bawat pamamasada, hindi lang kaligtasan ang inaalala. Kundi pati na rin ang pagtaas ng bawat sentimo ng presyo ng langis minuto-minuto.
Ang Pilipinas ay sumasailalim ngayon sa matinding krisis na naapektuhan ang pang araw araw na pamumuhay ng mga pasahero at tsuper. Ang problemang ito ay sanhi ng kaguluhang nangyayari ngayon sa gitnang silangan na nagreresulta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Dahil dito, naglabas ng panayam ang Pangulong Bongbong Marcos– nagbibigay paalala sa mga pilipino patungkol sa kaguluhang nangyayari sa gitnang silangan na nakakaapekto sa pagdaan ng mga barkong nagdadala ng langis sa strait of hormuz. Isa sa mga pinaka importanteng daanan ng langis. At dahil dito, naaapektuhan ang maayos na suplay ng langis at napapataas ang presyo nito sa buong mundo. Nais ipaalam ng pangulo na asahan ang patuloy na pagtaas ng petrolyo sa mga susunod na linggo.
Kung paghahanda pala ang pag uusapan, bakit hindi man lang maisip ng gobyerno na ayusin ang bawat kalsadang nagreresulta sa mabigat na traffic sa bansa? Dahil dito, isa sa mga inaalala ng mga tsuper ay ang nasasayang na gas ng kanilang sasakyan sa gitna ng traffic.
Mula nang magsimulang tumaas ang presyo ng petrolyo, ang mga tsuper ay nagsagawa ng rally sa bandang Plaza Bonifacio sa Pasig City ngayong huwebes, ika-19 ng Marso. Ang grupong piston din ay sumailalim muna sa matinding transport strike dahil din sa patuloy na pagtaas ng langis sa bansa. Kung boses ng mamamayan ang mahalaga, bakit kinakailangan pang umabot sa pag po-protesta ang mga pilipino para lang pakinggan ng gobyerno? Kung pagmamasdan ang bawat hinagpis ng mamamayan, maririnig mo ang iisang sigaw ng karamihan; “IBABA ANG PRESYO NG LANGIS!”.
Ayon sa Department of Energy (DOE): Nag ulat ito ng mga naitalang presyo ng petrolyo na umaabot ng P60.50 hanggang P63.19 sa diesel. Sinabi rin ng pangulo na sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, ay hindi pa rin kinakailangan ang pagtatago (hoarding) ng mga basic commodities sa bawat bilihan matapos nito inspeksyunan ang Agora Public Market sa San Juan City.
Ang mga pangyayaring ito ay nagresulta sa pagtaas uli ng presyo ng dolyar na umaabot ng 60 pesos na kumakantidad ng isang dolyar. Narito naman ang mga rason ng suliraning ito. Dahil sa kaguluhang nangyayare ngayon, iilan sa mga global investors ay kumakailangang bumili ng dolyar dahil ito lamang ang nagiging reliable currency sa buong mundo. Kasama rin dito ang pagtaas ng presyo ng langis kung saan kinakailangan ng mga bansa ang pagbili ng dolyar upang mabayaran ang kinakailangang langis ng bawat bansa. Dahil sa mataas na pangangailangan ng dolyar ay nagreresulta ito sa pagtaas ng value nito. At dahil sa pagkakaroon ng sariling source ng bansang US, hindi nila kinakailangang humingi ng suporta ng langis kumpara sa Europe at Asya.
Baka nakakalimutan natin ang pakikisali ng bansang US sa gulong nangyayari sa kasalukuyan na ngayon ay nagreresulta rin sa pagtaas ng halaga ng dolyar sa bansa? Nasaan na ang mga pangakong sinabi nitong pagpapabawas ng kaguluhan? Ito ba ang paraan niya upang magpatigil ng mga kaguluhan na kanyang ipinangako? Na para bang nagiging palarong labanan na lamang ang ginagawa sa bawat bansa at hindi na inaalala ang epekto nito sa mga mamamayan. Dahil sa mga ito, parang nagmumukhang economic plan lamang ito ng pangulo ng US.
Sa kabila ng mga kaguluhang nangyayari, hindi pa ba sapat ang mga ito para makisali at makialam? Bakit walang nais gumising sa gobyerno tulog at halos ay walang aksyon na ginagampanan sa mga suliraning nararanasan natin ngayon? Dahil ba’y hindi tayo “apektado” ng suliraning ito kaya hahayaan na lamang nating abusuhin tayo ng mga may kapangyarihan nang paulit ulit? Baka nakakalimutan natin na tayo ang dapat pinagsisilbihan ng mga ito at hindi ang ibang bansa. Kaya may gulo, dahil may mga taong nasa pwesto ang nagpapasiklab ng mga kaguluhang ito. Makialam at makisigaw. Panahon na para simulan ang pakikibaka at pakikisali sa pamamagitan ng pagiging boses ng kapwa pasahero at ng ating mga butihing tsuper.
[:SANGGUNIAN:]
[1] Situation Report PH [@situationreportph]. (2026, March 16). [Video title/description not explicitly listed][Video]. TikTok. https://www.tiktok.com/@situationreportph/video/7614108465631431954
[2] Tappe, A. (2026, March 17). Iran war, oil price surge worsen K-shaped economy, say economists. CNBC. https://www.cnbc.com/2026/03/17/iran-war-oil-price-surge-worsen-k-shaped-economy-say-economists.html
[3] De Leon, N. G. C. (2026, March 7). Hefty increase in gas, diesel prices looms. Philippine Daily Inquirer. https://business.inquirer.net/578043/hefty-increase-in-gas-diesel-prices-looms/
[4] One News PH. (2026, March 19). LOOK: Several jeepney drivers and transport groups held a protest at Plaza Bonifa... [Status update]. Facebook. https://www.facebook.com/ONENewsPH/posts/1465069098981770/
[5] Bajo, A. F. (2026, March 18). Marcos on economic impact of Middle East crisis: No need to worry. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/980420/marcos-on-economic-impact-of-middle-east-crisis-no-need-to-worry/story/
[6] The Epoch Times. (2026, February 10). US sending more forces to Middle East amid Iran conflict [Audio podcast episode]. In World. https://www.theepochtimes.com/podcasts/world/us-sending-more-forces-to-middle-east-amid-iran-conflict-5992819

No comments:
Post a Comment