Disenyo ni: John Maclen Dolor
Inilathala ni: Jielian Lobete
Petsang Inilathala: Marso 23, 2026
Oras na Inilathala: 12:38PM
“๐๐ถ๐ฏ๐จ ๐ช๐ช๐ด๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ฐ, ‘๐๐ช ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฅ๐ข๐ต๐ช ๐จ๐ข๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ, ๐๐ฆ๐ฌ๐ข ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ข ๐ต๐ฆ๐ฌ๐ข ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ, ๐๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ ๐ต๐ข๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ”
Oh, sorry. I’m listening to ๐ฝ๐ช๐ง๐ฃ๐ค๐ช๐ฉ by Sugarfree.
Ganito nagsisimula ang maraming umaga ng isang graduating student—may kaba, may lungkot, may tuwa, at may tanong kung kailan nga ba bumilis ang lahat. Parang kahapon lang, nagrereklamo pa tayo dahil sa maagang pasok at biglaang quiz. Ngayon, paakyat na sa entablado, hawak ang diploma, pero ang isip ay naiwan sa mga araw na hindi na-plano ang pag-alis.
Ang pagtatapos ay hindi lamang personal na tagumpay. Isa rin itong kolektibong pamamaalam—sa barkadang araw-araw magkasama, sa gurong naging pangalawang magulang, at sa paaralang naging ikalawang tahanan. Habang abala ang lahat sa toga, larawan, at applause, tahimik namang tumutugtog ang isang graduation playlist—mga kantang sumasabay sa bigat at gaan ng sandali.
Dito pumapasok ang musika bilang kasamang umunawa. Hindi nito minamadali ang emosyon. Hinahayaan ka lang nitong maramdaman ang lahat—ang pagod, takot, pasasalamat, at pag-asa. At sa mga sandaling hindi sapat ang salita, musika ang marahang humahawak sa damdaming walang pangalan.
Kaya’t narito ang anim (6) na kanta na pwedeng maging soundtrack ng iyong graduation playlist:
๐๐จ๐ฅ๐ก๐ข๐จ๐ง ๐๐ฌ ๐ฆ๐จ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐
“๐๐ถ๐ฏ๐จ ๐ช๐ช๐ด๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ฐ, ‘๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฅ๐ข๐ต๐ช ๐จ๐ข๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ, ๐ฌ๐ข๐บ ๐ฃ๐ช๐ญ๐ช๐ด ๐ฌ๐ข๐ด๐ช ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ, ๐ฑ๐ข๐ต๐ช ๐ต๐ข๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ต๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐บ”
Ito ay hindi lamang linya ng isang kanta—ito ang tanong ng maraming estyudanteng umabot sa dulo na pagod na pagod. Burnout ang tunog ng huling sem na halos hindi na maramdaman dahil maraming kailangang tapusin na deadline.
Hindi nito ginagawang romantiko ang hirap. Inaamin nitong may mga pangarap na minsan ay nagiging pabigat, at may mga araw na gusto mo na lang sumuko. Para sa mga estyudanteng sabay-sabay hinahabol ang grades, expectations ng pamilya, at sariling takot, totoo ang kantang ito sa paraang masakit pero kinakailangan.
Sa isang graduation playlist, Burnout ang nagpapaalala na may karapatan kang mapagod. Na ang pagtatapos ay hindi laging masaya agad—minsan, kailangan mo munang magpahinga.
๐๐จ๐ช๐๐ ๐๐๐ก๐ ๐ ๐๐ง๐๐๐ข๐ง ๐๐ฌ ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐๐๐ฆ
“๐๐ถ๐ธ๐ข๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐ฌ๐ฐ๐ต, ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ฎ๐ฐ’๐บ ๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฑ๐ถ๐ด๐ข๐ฏ”
Pagkatapos ng pagod, takot naman ang sunod. Takot sa mga bagay na hindi pamilyar—bagong paaralan, trabaho, o responsibilidad na wala nang syllabus.
Maraming mga estyudante na tahimik lamang sa kaba. Hindi lahat handang magsabi na natatakot sila. Kaya mahalaga ang kantang ito, dahil hindi nito minamaliit ang pangangamba. Sinasabi nito na tuloy pa rin dapat ang buhay, kahit hindi ka sigurado sa susunod na hakbang.
Sa gitna ng paglipat mula sa pagiging estyudante patungo sa mas malawak pa na mundo, ang kantang ito ang nagsisilbing kamay na humahawak sa’yo habang tumatawid.
๐๐จ๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ช ๐๐ฌ ๐๐๐ ๐๐๐๐ญ๐๐ ๐๐ง. ๐๐ฌ๐๐
“๐๐ต๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ถ๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข๐ญ๐ช, ๐๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ต๐ข๐บ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฎ๐ข๐ญ๐ช, ๐๐ข๐ด๐ฆ ๐ธ๐ข๐ญ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฌ๐ข๐ด, ๐๐ถ๐ญ๐ช๐ต๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐ช๐ต๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ธ๐ข๐ฌ๐ข๐ด”
Ito ang kantang bagay pakinggan habang iniikot ang bawat sulok ng classroom—mga upuang may pangalan at ang mga pader na saksi sa ating mga pangarap.
Hindi lahat ng paalam ay may closure. May mga kaibigan tayong unti-unting mawawala, at may mga kwentong hindi na maitutuloy. Huling Sayaw ang musika ng pamamaalam na walang sigawan—tahimik lang, ngunit may kaunting pag-iyak.
Sa graduation, hindi lang ang pag-aaral sa kani-kanilang strand ang tinatapos. Minsan, may mga relasyon ding kailangang bitawan. At minsan, sapat na ang isang kanta para tanggapin ang lahat ng iyon.
๐ฆ๐๐๐๐ ๐๐ง ๐๐ฌ ๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐ข๐ก๐ฆ๐ง๐๐ก๐ง๐๐ก๐ข
“๐๐ฏ๐จ ๐ข๐ธ๐ช๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ช๐ต๐ฐ'๐บ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข'๐บ๐ฐ, ๐๐ต ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ถ๐ฃ๐ฐ๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ช๐ฏ๐ช๐จ, '๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ข๐จ๐ด๐ช๐ด๐ช๐ด๐ช, ๐๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ณ๐ช๐ฏ๐ช๐จ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ญ๐ข๐ฃ๐ช ๐ฌ๐ฐ, ๐๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ต, ๐ด๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ต”
Sa gitna ng mga mabibigat na emosyon, may puwang para sa pasasalamat—sa gurong hindi sumusuko, sa kaibigang nandiyan palagi para sa iyo, at sa iyong sarili dahil sa pagsusumikap at pagpupursige upang makapagtapos ng pag-aaral.
Hindi kailangang engrande ang pasasalamat na ito. Tahimik lang, parang ngiting na may kasamang luha habang tinatawag ang iyong pangalan sa entablado. Para sa mga estyudante, ito ang mga sandaling napagtanto nila na kaya pala nilang mag-isa.
Ito ay hindi lamang isang kanta—isa itong pagkilala sa lahat ng mga naging bahagi ng paglipad ng iyong eroplano.
๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐๐ฌ ๐๐๐ก๐
“๐๐ข ๐ฃ๐ข๐ธ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ช๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ถ๐ฎ๐ข๐จ๐ข, ๐๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ช๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ช ๐ข๐บ ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐จ๐ถ๐ฎ๐ฑ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข”
Pagkatapos ng pagtatapos, may pressure na agad: Ano ang sunod? Ano ang pipiliin kong kurso? Saan ako mag-aaral ng kolehiyo? Karera ang paalala na hindi nating kailangang magmadali.
Sa panahong uso ang comparison at achievement culture, mahalagang marinig mo na minsan okay lang ang mabagal dahil “๐๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ข๐บ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฌ๐ข๐ณ๐ฆ๐ณ๐ข”. Hindi ka nahuhuli; May sarili kang takbo.
Para sa mga kakatapos lang ng senior high school at naguguluhan pa sa mga susunod na hakbang, ang kantang ito ang pahintulot na magpahinga ka muna—at magsimula muli kapag handa na.
Dahil may panibagong umaga pa.
“'๐๐ข๐จ ๐ฎ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ช๐จ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐จ ๐ถ๐ญ๐ข๐ฏ, ๐๐ข๐บ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ฉ๐ฐ๐ฏ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ณ๐ช, ๐๐ข๐บ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ฉ๐ฐ๐ฏ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฅ๐ข๐ฑ๐ข, ๐๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐ข๐บ ๐ด๐ข๐ฅ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ”
Sa puntong ito ng kwento, may himig na sumasabay sa huling hakbang ng pagiging senior high—๐๐ข๐๐๐ง๐๐ฌ, ๐๐ข๐ช๐ช๐ก๐๐ฃ by Rivermaya.
Ganito nagtatapos ang graduation playlist—hindi sa katiyakan, kundi sa pagtanggap. May araw na panalo, may araw na talo. At pareho itong mahalaga.
Sa pagtatapos ng isang yugto, malinaw na hindi lahat ng tagumpay ay may kasamang linaw ng direksyon. May mga araw na alam mo kung saan ka pupunta, at may mga araw na ang alam mo lang ay kailangan mong magpatuloy. Ang graduation ay hindi pangakong magiging madali ang lahat, kundi paalala na normal ang maligaw at mapagod. Tulad ng ulan at araw, may mga panahong mabigat at may sandaling magaan, at sa bawat pagdaan ng mga ito, unti-unting nabubuo ang tapang at pag-unawang kailangan para harapin ang susunod na kabanata ng buhay.
Kaya sa mga graduating students ngayong taon, hayaan ninyong maging kasama ang mga musika na ito sa susunod na yugto ng iyong buhay. Gumawa ng playlist na magsisilbing alaala at lakas. Dahil kapag bumuhos ang ulan at bumilis ulit ang mundo, anim na kanta lang minsan ang kailangan para maalala kung sino ka—at kung bakit ka nagpapatuloy na mangarap.
SANGGUNIAN:
[1] BINI. (2023). Karera. Genius.
https://genius.com/Bini-karera-lyrics
[2] Eraserheads. (2025). Huwag Kang Matakot. Genius.
https://genius.com/Eraserheads-huwag-kang-matakot-lyrics
[3] Kamikazee (Ft. Kyla (PHL)). (2025). Huling Sayaw. Genius.
https://genius.com/Kamikazee-huling-sayaw-lyrics
PINAGKUHANAN NG MGA IMAHE:
BINI. (2023). Karera. Genius.
https://genius.com/Bini-karera-lyrics
Eraserheads. (2025). Huwag Kang Matakot. Genius.
https://genius.com/Eraserheads-huwag-kang-matakot-lyrics
Kamikazee (Ft. Kyla (PHL)). (2025). Huling Sayaw. Genius.
https://genius.com/Kamikazee-huling-sayaw-lyrics
Kamille. (2024). Pinterest. https://pin.it/4eDfXrsnE
Rivermaya. (2025). Umaaraw, Umuulan. Genius.
https://genius.com/Rivermaya-umaaraw-umuulan-lyrics
Sugarfree. (2025). Burnout. Genius.
https://genius.com/Sugarfree-burnout-lyrics
Yeng Constantino. (2016). Salamat. Genius.
https://genius.com/Yeng-constantino-salamat-lyrics

No comments:
Post a Comment