Sunday, February 14, 2021

LITERARY: "Hiram" by Daniel Garcia

Binibini maari ko bang hiramin ang ngalan mo?

Nais ko lamang gamiting paksa ng aking tula.

Tulang naglalahad ng aking damdamin.


Tulang isinasaad kung gaano ako nagpapasalamat sa'yo.

Pasalamat sa buong pagtanggap sa'kin.

Sa pagtanggap ng buong pagkatao ko.


Wari ko'y matamo mo ang kasiglahan ng buhay.

Matamo mo ang matamis na tagumpay ng buhay.

Makamit mo ang iyong mga minimithi.


Nawa'y gabayan ka ng poong maykapal.

Gabayan sa buhay na iyong nais makamtan.

Buhay na puno ng kasiglahan at kasiyahan.


Binibini sana ang ating landas may magtagpo muli.

Nang ika'y aking mabigyan ng maayos na pasasalamat.

Salamat sa iyo mariposa.

No comments:

Post a Comment