Para kanino nga ba,
Ang mga galak mula sa iyong mga mata?
Para kanino nga ba,
Ang mga matatamis na ngiti na iyong ipinakikita.
Ang bawat patak ng luhang nais saluhin—
'Di tiyak na para sa akin;
'Di rin tiyak na ako ang salarin,
Sa luhang hindi mapigil.
Ang bawat tawa na iyong hatid,
'Di maiwasang pagmasdan ng maingay na kalsada.
'Di maiwasang kuhanan ng isang litrato,
Sulyap mong ligaya at galak sa aking mata.
Ngunit, para kanino nga ba ang mga ngiti,
Mula sa labing hindi mawari.
Hanggang sa dulo ng daanang—
Hinga, pagod, at luha ng kasiyahan.
Para kanino nga ba,
Ang iyong mga ngiti?
Hindi para sakin, hindi para sa lahat.
Kundi, para kanino?
No comments:
Post a Comment