Saturday, February 13, 2021

LITERARY: "Sol at Luna" by Daniel Garcia

Luna aking minamahal.
Ako ang araw.
Ikaw ang buwan.
Ako ang payong sa nagbabadyang ulan
At ikaw ang nagsisilbing liwanag sa kadiliman.
Bihira mang magkita.
Madalang magtagpo.
Oras man natin ay salungat.
Ngunit pangako ko sa'yo.
Pag tayo'y nagtagpo,
Ngingiti ang tadhana sa ating dalawa.
At sasalubungin tayong masagana ng mundo.

No comments:

Post a Comment