Monday, September 20, 2021

FEATURE: " Edukasyon sa Gitna ng Pandemya" By: Danica Rhaine G. Elizaga

 

Pagod at puyat ang kalaban ng mga mag-aaral sa ngayon. Para sa atin, kapag nagpahinga ka, babagsak ka. Mahirap ang maghabol ng mga gawain lalo na at sarili mo lamang ang katulong, ngunit may kasabihan nga tayo na, "Kapag may tiyaga, may nilaga."


Ang tanong, kaya mo pa ba?

Ika-15 ng Marso, taong dalawang libo't dalawampu ay idineklara ang total lockdown sa buong bansa. Maraming trabaho ang naapektuhan, pati ang pagpasok sa eskwelahan ay ipinagkait sa atin. Mistula tayong mga ibong tinanggalan ng kalayaan.


Napakahirap mag-aral lalo na sa bagong normal na pamamaraan sa ating edukasyon na kung saan, nasa bahay lamang tayo. Maraming maaaring makaantala sa ating pag-aaral tulad ng koneksyon sa internet o ang mga gawaing bahay. Makakatulong kung maglalaan tayo ng oras para lamang sa pag-aaral at siguraduhin na walang makakaistorbo sa iyo. Panatilihin ang pagiging positibo ng isip at higit sa lahat ay magpahinga.


Oo, at mapapagod tayo ngunit huwag tayong sumuko. Hindi lamang para sa sarili at sa pamilya ang ating ginagawa, kundi para na rin sa ating ekonomiya. Tandaan, walang tagumpay na hindi pinagtatrabahuhan.

No comments:

Post a Comment