Wednesday, September 29, 2021

NEWS: "Sinetch itey, bulung-bulungan lilipat na raw ng tahanan!" by Ayesha Mae G. Monreal

 Viral ngayon ang isang kilalang kapamilya television host at weather anchor, na kilalang kilala natin dahil sa dala-dala niyang kaunting kaalaman sa dulo ng kaniyang mga balita.  Hindi pa opisyal na ina-anunsiyo ngunit ayon sa mga netizen, si Alejandro Ilagan Atienza o mas kilala natin bilang Kuya Kim, ay tunay nang lilisanin ang Kapamilya at magiging ganap nang Kapuso. 

Isang taon matapos ang issue ng ABS-CBN paukol sa kanilang prangkisa, at tuluyang pinasara ng kongreso ang nasabing istasyon, ay marami na ang mga artista mula sa istasyong ito ang napabalitang sumakabilang-bakod. Dahil dito, maraming mga empleyado ang nawalan ng trabaho maging ang mga artista na nag-resulta ng paglipat sa GMA. Hindi lang ang mga normal na mamamayan na apektado ng pandemya ang nawalan ng mga trabaho. Ilan sa mga kilalang artista mula sa Abs-cbn na lumipat sa ibang istasyon tulad ng GMA at TV5 ay sina Maja Salvador, Bea Alonzo, Billy Crawford, Pokwang, Khalil Ramos, at ang usap-usapang si Kuya Kim, at marami pang iba. 

Sa nasabing balita, ay papalitan ni Kuya Kim ang dati nang weather anchor ng GMA na si Mang Tani na lumipat na sa ibang bansa kasama ang kaniyang pamilya. Marami ang nalungkot sa balitang ito, dahil matagal nang kapamilya si Kuya Kim at kilala sa television show nitong Matang Lawin, kung saan pinapalabas dito ang iba’t ibang kaalaman tungkol sa siyensiya. Marami rin namang natuwa at sumusuporta sa naging desisyon nito. Gayunpaman, nirespeto nang Kapamilya ang desisyon ni kuya Kim, at malugod rin siyang tinanggap ng mga Kapuso.

No comments:

Post a Comment