Naniniwala ka ba sa mga kuwentong katatakutan? Ngayong undas
laganap ang mga kuwentong ipinahahayag ng mga taong nakararanas ng kakaibang
pangyayari.
Alam mo ba ang kilalang kuwento ng paring walang ulo? Sa mga
mambabasang hindi nakakaalam nito, siguraduhing nakabukas ang iyong ilaw at may
kasama ka habang binabasa ang kuwentong ito.
Ayon sa mga estudyanteng nagpahayag ng kuwento, sila ay
naglibot sa campus ng kanilang paaralan. Habang sila ay nagpapalitan ng
kuwento’t naglilibot, mayroon silang natanaw na isang pangangatawan. Ito ay
kanilang tinignan at kanilang napagtanto na isa itong pari. Ngunit mayroong
kakaiba sa paring nakita nila. Dahan-dahang silang nilapitan ng paring ito at
doon nila napansin na wala itong ulo. Napatili sila at napansin na may binibitbit
ito sa kanyang kanang kamay. Ito pala ang kanyang ulo! Nakaramdam sila ng lamig
at panginginig na naging rason kung bakit hindi sila makakilos. Nanigas ang
buong katawan nila sa harapan ng paring ito. Nang kanilang napansin na
napakalapit na ng pari sa kanila, tumakbo na sila nang napakabilis at saka
tumigil nang nakalayo na sila. Lumingon sila upang makita kung naroon pa ang
pari ngunit wala na ito.
Pinaniniwalaan ng mga tao roon na ang pigurang iyon ay isa
sa mga paring namamahala sa paaralang iyon noong panahon ng kolonisasyon na
pinugutan ng ulo ng mga Espanyol. Naniniwala din ang iba na hindi ulo ng pari
ang bitbit ng pigurang ito ngunit ang ulo ng isa sa mga babaeng nakakita sa
pari.
Ano ang masasabi mo rito? Naniniwala ka ba sa paring walang
ulo?
No comments:
Post a Comment