Sa hindi inaasahang pagkakataon,
sa hindi romantikong panahon,
Sa Isang kapirasong-papel,
nagsimula ang istorya ng pag-iibigan nating dalawa;
At kung paano ko unang nasilayan ang iyong ngiti,
na abot hanggang sa iyong dalawang bilugang mga mata,
Muling bumalik ang mga alaalang matagal ko nang kinalimutan,
muling bumalik ang sakit sa aking pakiramdam, nang dahil sa iyong paglisan.
Kapirasong-papel ang inalay mo sa akin, nung panahon na ipinahayag mo ang iyong damdamin.
Ito ang nagsilbing daan natin para ipahiwatig ang lihim na pagtingin na hindi natin kayang
bigkasin— Ang mga letra na nagbuklod sa pag iibigan nating dalawa.
Masalimuot ngang tunay ang ating pag-iibigan,
Dahil ang kapirasong papel na syang sa atin ay nag-ugnay,
ang sya ring tumapos sa ating pag-ibig na kasisimula pa lang.
Sa isang papel na ito, sabay na nawala ang taong dahilan ng pag ngiti ko't pag iyak.
Sa pagpikit ng aking mga mata larawan mo ang aking naaalala,
At mga panahon na masaya pa tayong gumagawa ng mga magagandang memorya,
Patuloy na lumalandas ang luha sa aking mga mata,
Dahil kaakibat ng saya ay ang sakit na idinulot mo nang ako'y naiwang mag-isa, habang binabasa ang kapirasong papel na sa aki'y iyong pinadala.
No comments:
Post a Comment