Wednesday, October 27, 2021

LITERARY: "Magbilang" by: Everly Krissa Tejada

 Tayo na't magbilang simula isa hanggang sampu,

Bilangin ang mga araw magmula nang kayo'y magtagpo.

Isa, dalawa, tatlo,

Paningin mo'y sa kanya napako, mga mata'y siya lamang ang nilalaro.

Apat, lima, anim, nako!

Nahihirapan nang ihinto ang nadarama ng puso.

Hindi ba't sabi mo'y biro lamang ito?

Ngunit bakit ka nalilito?

Pito, walo, noo'y nasapo.

Anong mayr'on at bakit ka nagkakaganito?

Na sa kahit saang anggulo, nagmumukha pa rin siyang perpekto?

Simula ulo hanggang paa, siya'y iyong saulo.

Siyam, sampu,

Ito na ang huling numero, siguro nama'y tapos na ang iyong pagkukuro-kuro.

Naiintindihan mo na ba ang isinisigaw ng 'yong munting puso?

Na nahulog ka na sa kan'yang bitag, kahit wala namang sasalo.

No comments:

Post a Comment