Thursday, October 21, 2021

LITERARY: "Paglisan" by: Juzmine Rein Iguid

Paglisan.

by: Juzmine Rein Iguid


Alay ko ang tulang ito para sayo,

Oh irog ko, nangungulila parin ako sa paglisan mo.

Simula nang ako'y iyong iniwan,

Wala nang iba pang nadama kundi pawang sakit lamang.


Wala akong ibang magawa pagka't sayo ito'y makabubuti,

Ayaw kong maging hadlang kaya pinili kong manatili.

Maghihintay, Sapagkat wala nang tutumbas pa sa ibinigay mo sa aking kulay.


Handa akong magsakripisyo

kung ang kapalit naman nito ay ang yakap mo,

Handa akong patunayan kung gaano kita kamahal,

Kahit walang kasiguraduhan, ako'y muling susugal.


Pagtanggap man ng paglisan mo'y mahirap,

Ngunit alam kong di mag tatagal ay magkikita din tayo at magsasama sa iisang alapaap.

No comments:

Post a Comment