Monday, November 22, 2021

LITERARY: "Replika" by: Angelica Rosa

 Sa bawat gabing madilim,

Dalawang pares ng mata ang sa iyo'y nakatingin,

Ika'y pinagmamasdan, bawat galaw mo'y sinusundan.

At sa pagluha mo ay sya lang ang nakakalam.

Siya'y nagsisilbing tanglaw mo,

sa madilim at magulong mundo,

At nagsisilbing karamay mo,

Sa panahong puro pasakit ang natatamo.

Sa bawat pighati't pagdurusa,

Sa gabing mapanglaw at kasing dilim ng iyong mga memorya,

Siya lang ang natatanging kasama,

Siya lang ang naging ilaw, at tanging nagdala.

Subalit, sa muling pagdilat ng iyong dalawang mata,

Ang dalawang pares ng mata ay iyo pala lamang ay replika.

Replikang nakikiusap na "tumigil ka na"

Dahil alam nya na ika'y pagod na.


Published by: Ysabella Charis Vaila 

Date published: November 22, 2021 

Time published: 2:36pm


No comments:

Post a Comment