Tuesday, December 14, 2021

NEWS: "Harnaaz Sandhu ng India bilang Miss Universe 2021" by: Ayesha Mae Monreal

 


Matapos ang dalawampu’t isang taon na siya ring edad ng kandidatong si Harnaaz Sandhu, ay muling naiuwi ang korona sa India.

Taong 2000 ng unang mag-wagi ang India sa Miss Universe sa pamamagitan ni Lara Dutta. Sa taon ring ito, sa ikatlong araw ng buwan ng Mayo ipinanganak si Harnaaz Sandhu na siya rin palang mag-babalik ng korona sa bansang India matapos ang dalawampu’t isang taon. Ayon sa mga netizen, “she was born to reclaimed the crown." Sinasabi ring ang numerong 21 ang lucky number ngayon ng India, sapagkat muling naibalik sa kanila ang korona matapos ang 21 years sa pamamagitan ni Harnaaz Sandhu na siya namang 21 years old.

Sa grand finale ng Miss Universe, suot ni Harnaaz Sandhu ang kumikinang na gown na yumayakap sa kurba ng kaniyang katawan. Dinisenyo ito ni Saisha Shinde na isang transwoman. Nag-iwan din ng magandang kasagutan si Miss Harnaaz, sa Q and A kung saan binigyang diin niya ang pagiging confident o pagtitiwala sa sarili na siyang dahilan ng pressure sa panahon ngayon.



Source: Inquirer .net
Rappler



Published by: Ysabella Charis Vaila 
Date published: December 14, 2021 
Time published: 3:29 pm


No comments:

Post a Comment