Klasipikasyon: Prosa
Tema: Pag-asa
Sinopsis: Ang mundo ay nababalot ng lungkot at paghihinagpis, ngunit sa ating paghakbang - may pag-asang ating makakamit.
-
Ang hirap makawala sa dilim, hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng ating mga paa. Nakakat'wang isipin na bukas ang ating mata, subalit, ni isa wala tayong makita. Ang buong mundo ay balot ng paghihinagpis - tila wala kang maririnig kung hindi puro salitang puno ng pait.
Bakit nga ba dumating sa puntong wala nang makita, mga taong pikit ang mata; sarado ang bibig at hindi malawakan ang pag-iisip. Ngunit sigurado ako na sa kahit saang sulok ng kwarto, mayroong daan papunta sa liwanag. Sa bawat pighati at hindi pagkakaunawan, mayroong parte sa mga mamamayan ang pagmamahalan.
Sa aking pang labing-anim na hakbang, mata ko'y nakasagap ng imahe. Itinaas ko ang aking kamay nagbabakasakaling mahawakan ang pagbabago - bagong kapaligiran, bagong pananaw, bagong istilo at malawak na pag-iisip.
Sa pang labing-pitong hakbang alam kong kaya ko na, kaya na natin - maituwid ang lakad at hindi na lumingon sa dilim nang nakaraan. Liwanag ang bumalot sa mga mukha, ngiti na lumalapat sa bawat mga labi, yakap na binibigay sa bawat isa, mga tawang nakapagpapagaan ng kalooban - ang mga bagay na ating mararanasan kung hindi natin itutulak ang kahit sinoman sa kadiliman.
Published by: Lloyd Agbulos
Date published: January 26, 2022
Time published: 3:55 PM
No comments:
Post a Comment