Marami ang naitalang kaso ng lagnat at trangkaso sa pagpasok pa lang ng bagong taon. Ang iba ay nababahala dahil maaaring sintomas ito ng COVID-19 ngunit karamihan sa kanila ay kampante dahil sa paniniwalang napapanahon lamang ito.
Ngunit sapat na bang maging batayan ang panahon para masabing natural lang ito?
"Ipa-test agad ang sarili," ito ang naging abiso ng Department of Health. Anila'y mahirap tukuyin kung dala-dala na ng isang tao ang virus dahil lamang sa isang sintomas. Ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention, lagnat, ubo, sipon, pagsakit ng ulo o ng kalamnan at panunuyot ng lalamunan ang karaniwang sintomas ng COVID-19 kung kaya't inaabisuhan ang lahat ng may ganitong karamdaman na magpakonsulta kaagad.
Mas mabuti rin na umiwas muna sa mga tao ang may ganitong sintomas habang hinihintay ang resulta ng eksaminisasyon upang maiwasan ang makahawa.
Source: INQUIRER
Published by: Renz Mar M. Mangana
Date published: January 08, 2022
Time published: 10:38 PM
No comments:
Post a Comment