Saturday, March 5, 2022

LITERARY: "Awit ng Pag-ibig" ni Angel Mae Acio

Published by: Lloyd Agbulos 

Date published: March 05, 2022

Time published: 1:00 PM


Kategorya: Tula

Tema: Pag-ibig

Buod: Iba't ibang yugto ng pag-ibig, kung saan paunti-unting naglalaho ang pagsinta sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan. 


Kuhanin mo ang iyong gitara,

Gumawa ng himno para sa ating dalawa,

Sabay tayong maging makata,

Sa gagawin nating awitin na tatawagin kong sinta.


Alayan mo ako ng isang kanta,

Kung paano tayo nagtagpo ay sa aki'y ipaalala,

Sa himig mo ay ipakita,

Ang kahulugan ng salitang iniibig kita. 


Ang kislap nating dalawa ay naglaho,

Ang ating boses ay nawala na sa tono,

Walang kasiguraduhan kung paano,

Hindi mawari kung bakit humantong sa ganito. 


Nagpaalam na sa aking tahanan,

Tumingin sa mga matang wala ng nararamdaman,

Natapos nang biglaan ang ating sinimulan, Sa mga katagang "Paalam na, aking dating kasintahan".

No comments:

Post a Comment