Friday, April 8, 2022

LITERARY: Pagkupas by Axel Adame

 


Published by: Renz Mar M. Mangana

Date Published: April 8, 2022

Time Published: 1:52 PM


Katergorya: Tula 

Tema: Paglisan

Buod: Kapag tayo'y nagkikita ang mata ng bawat isa ay nagniningning. Subalit sa pagdaan ng panahon, bakit biglang nagbago? Wala namang humadlang ngunit ang samahan ay sadyang kumupas.


Sa mga ngiti mo ako'y nagagalak,

Mga mata mo na 'sing aliwalas ng bulaklak,

Na kapag tumitingin ka ay parang bituin,

At kaya kong gawin lahat para sa'yo kahit sa'n man abutin.


Aliwalas ng iyong mukha'y huwag ipagkait, 

Na kahit kailanma'y hindi naging pilit, 

Na tulad ng punong mayabong, 

Ang aking pagsinta'y hindi uurong. 


Ngunit ang pagka-puraw ay biglang nadumihan,

Mga luha mong pumapatak kasabay ng ulan,

Mga sayang nabalutan ng sigawan,

At ang iyong ngiti ay napawi at biglang lumisan.


Hanggang dito na lang ba ito? 

Hindi na itutuloy ang ating nabuo? 

Isipin man lang natin kung paano tayo nag-umpisa, 

Balikan ang mga ala-alang nagpayabong sa ating pag-iisa.


Siguro hanggang dito nga lang ito,

Wala namang humadlang sa ating mga puso,

Sadya lamang nawala ang kislap sa'ting mga mata,

At tuluyan na tayong nilisan ng pagkasabik sa bawat isa.

No comments:

Post a Comment