Friday, April 8, 2022

LITERARY: "Para Sa Iyo" ni Zoe Alacar



Published by: Lloyd Agbulos

Date published: April 08, 2022

Time published: 2:48 PM


Kategorya: Tula

Tema: Nanghihinayang, bagong pagkakataon

Buod: Kung may iba pang buhay, kung saan tayo magsasama, gagawa ako ng pagbabago at ikaw pa rin ang pinili ko


Kung maibabalik lang sana,

Ang mga oras na tayo’y magkasama

Magbabago ba ang lahat?

Kung ipinaglaban natin ang isa’t-isa?


Gabi’t hanggang umaga,

Ang isip ko abot sa mga bituin.

Iniisip ko kung bakit ka lumayo,

Ang pangakong sabi mo hanggang dulo.


Ang mga matatamis mong salita,

Mahal, ako’y napapasaiyo na.

Walang araw na hindi kita iniisp,

Sa piling mo, ako’y nasa tahanan.


Simula noong tayo’y bata pa

Pinatunayan mong mga gawain mo ay totoo

Ngunit sa haba nang panahon,

Ika’y nagbago.


Nais kong malaman mo,

Kung gaano kita kamahal,

Iba ang pagmamahal kong ito;

Walang katulad, sa’yong-sa’yo, ito ay totoo.


Pahintulutin ang sansinukob,

At ayusin natin ito.

Kung saan tayo nag kamali,

At sabay natin babaguhin ito.


Gagawin ko ang lahat para makasama at 

Makapiling ka hanggang sa pagtanda

Dahil ayokong mawala ka,

Hindi ngayon, hindi na.

No comments:

Post a Comment