Monday, April 18, 2022

LITERARYO: "Lunod" akda ni: Angel Mae Acio




Kategorya: Tula

Tema: Kalungkutan

Buod: Sa mga naligaw, nalihis ang landas, mga taong walang katiyakan, at nawala sa kalagitnaan ng kadiliman na patuloy na nalulunod sa karagatan ng kawalan.


Sa bawat pagpatak ng ulan

May nalulunod na tauhan.

Tahana'y tuluyang binalot ng kadiliman,

Hindi na makita ang tamang daanan.


Puso ay napuno ng kalungkutan,

Ang pagkahulog ay hindi napigilan,

Nalaglag na sa kailaliman,

Kung paano umahon ay hindi malaman.


Aahon na ba o patuloy na magpapalunod?

Sa hiyaw ng bawat manunuod,

Bawat bibitawang linya ang nanunuot,

Na sa isipan ng tao'y nag-iiwan ng poot.


Malakas na bugso ng hangin,

Pwede ni'yo ba akong tangayin?

Sa payapang kagubatan ako'y yayain,

At tayo ay sumigaw nang may diin.


Hinihiling sa ilalim ng mga bituin,

Ako na sana ay inyong hilain,

Patungo sa malawak na baybayin,

At ang butas na gawa ng kahapo'y pahilumin.


Published by: Keith Alphonsus A. Ambuya

Time published:5:15 pm

Date published: April 18, 2022

No comments:

Post a Comment