Wednesday, May 11, 2022

LITERARY: "Kinabukasan" ni Ley Anne Caringal


Published by: Lloyd Agbulos 

Date published: May 11, 2022 

Time published: 3:54 PM


Category: Poetry

Theme: Patriotic

Synopsis: Boses ng kabataan na hindi na napakinggan.


Para saan pa ang paglaban sa ating kinabukasan,

kung maaulit lamang ang kasaysayan?

Boses ng kabataan ay isinabahala,

kinabukasan namin ay lumalabo na.


Talaga bang doon kayo dumedepende

sa mga taong hindi ka depe-depende?

Kinabukasan ng kabataan ang nakasalalay,

talaga bang buhay namin ang iyong iaalay?


Hindi pa ba sapat ang naranasan ng mamamayan noon,

para ibalik ang nag pahirap sakanila ngayon?

Pilipinas, gising. 

Pakinggan ang aming hiling.

No comments:

Post a Comment