Monday, May 16, 2022

LITERARY: "Mikropono" Ni Francine Dianne Ambayec

 


Published by: Imbat, Aliyah Margareth C. 

Date Published: May 16, 2022

Time Published: 3:14 PM

Kategorya: Tula
Tema: Lipunan
Sinopsis: Gamitin ang tenga para makinig.
Imulat ang mata para makakita.

Boses ng pilipino ay walang tunog
miske mahihirap na nagkukumahog
o iyak ng mga batang hamog
ay hinde rinig at patuloy na lumulubog
Lumulubog at hindi makaahon
na hanggang sa paglipas ng panahon
ay lagpak parin at d makabangon
sino nga ba ang aasahang tumulong
na karapatan ng lahat ay dapat isulong
sigaw ng kahirapan wag nyong ituring na bulong
para lang sa mga hangarin nyong Paurong
wag nyo kaming iwanan sa kawalan
hindi lang kayo ang nawawalan
Bigyan nyo kami ng karapatan
may buhay din kaming iniingatan
iniingatan na pamilya,kapwa at kaibigan
hindi kami lapag para apak apakan
maliitin,saktan at patayin para saan?
para sa sarili nyong pangangailangan
sabi nila sa buhay daw matira matibay
ngunit sa pandemyang ito karamihan mayaman lang ang buhay
pag mahirap ka deretso na patay
magagawa nalang nila ay makiramay
nakikinig daw sila sa hinaing ng Karamihan
Ano ba yung karamihan sa inyo
yung mayayaman o yung may Kapangyarihan
kapangyarihan yanigin yung mikropono Ng Pilipino
kayamanang ginagamit sa panloloko ng Tao
tao din naman kayo pero d pala sapat Ang respeto
para sa pantay na pagtrato
pagtrato ng tama sa mamamayan
mabait lang pag nanghihingi ng tax na kailangan
Pero yung kaban ng bayan unti unting ninanakawan
yan ba ang bayanihan?kung ayan pakiusap wag nalang
paano tayo nito uunlad
kung sa pagtutulungan palang ay palpak
sa parehas na lupa tayo nakaapak
ngunit ang iba ay parang may pakpak
at ang ibay naiwang bagsak
itong paksang ito ay puno ng sakit at hinanaing
nagsusumigaw na kamiy pansinin
wag na kayong magbingibingihan sa bawat daing
magmulat sa katotohanan
dahil ang kasinungalingan ay may hangganan.

No comments:

Post a Comment