Monday, May 16, 2022

LITERARY: Una't, Huling Pag-ibig By: Angelica Rosa


Posted by: Jahzara Jera P San Miguel
Date posted: May 16 2022
Time posted: 11:14am

Kategorya: Prosa
Tema: Pag-ibig at Pagkabigo
Buod: Ang pag-ibig sa unang paglapat ng dalawang pares ng mga mata ang magbibigay ng walang katumbas na kaligayahan at kalungkutan.

Isang maaliwalas na umaga ang sumilay sa aking mukha tanda ng isang panibagong umaga na naman ang aking kakaharapin. Kasalukuyan akong nakatitig sa kalangitan ng biglang bumalik sa aking mga alaala ang bawat araw na ika'y aking nakasama subalit ito'y tanging magiging alaala na lamang.

Tuna'y nga na napakaganda mo'ng pagmasdan. Ang iyong dalawang bilugang mga mata at ang ngiti mo na nagbibigay ngiti sa aking mga labi. Tuna'y at busilak ang iyong kalooban kaya sa iyo ako'y umibig ng lubusan at ang pag-iibigan nating dalawa ay hindi nahahadlangan.

Sa pagitan ng alas kuwatro at alas singko ng hapon, masaya tayong magkasama sa labas ng aming tahanan. Walang sawang kulitan at tawanan na parang hindi nauubusan ng pag-uusapan. Sa mga oras na iyon ikaw lamang ang aking nakikita, ang iyong mga tawa na sa aking pagdinig ay wari'y isang musika na kahit ilang beses pakinggan ay hindi nakakasawang ulit-ulitin. Ang mga kwento mo na hindi nakakasawang pakinggan na hanggang ngayon akin pa din na naalala at patuloy na inaalala.

Subalit lahat ng ito ay nagbago. Yung mga panahon na masaya ka pa na nakikipagtawanan sa akin napalitan iyon ng seryosong mukha habang ang mga luha ay naguunahang bumaba sa iyong dalawang mga mata. At iyong sinabi ang mga katagang " ito na ang huli nating pagkikita" na sa akin din ay nagpaluha. Dumaan ang nga linggo, buwan at taon subalit hindi ka na nagparamdam. 

Kaya naman sa'yo ko naramdaman ang labis na saya sa mga oras na ikaw ay aking kasama, lungkot sa panahon na ako' y nag iisa at pangungulila noong lumipas ang mga araw, buwan at taon na hindi na kita nakasama. Ngunit ang mga alaala na nakalipas ay mananatiling alaala na lang ng pagiibigan nating dalawa.

No comments:

Post a Comment