Wednesday, May 25, 2022

LITERARY: "Umaaraw, Umuulan" ni Angel Mae Acio

Published by: Lloyd Agbulos 

Date published: May 25, 2022

Time published: 11:26 AM


Kategorya: Tula

Tema: Pag-asa sa buhay

Buod: Hindi lang sa panahon, kundi pati rin sa buhay ng tao ay mararanasan niya ang panahon ng tag-init at tag-ulan. 


Hindi palaging sisikat ang araw para saatin,

Kakailanganin muna nating madapa upang makamit ang ating mga mithiin.

May mga oras na ipagkakait sa atin ang kasiyahan,

At ang sikat ng araw ay hindi muna masisilayan.


May mga araw na kailangan munang umulan,

At kailangan mong maging matatag upang ito'y malagpasan.

Ang lakas mo'y masusubukan,

Sa laro ng buhay na patatagan.


Isang malakas at mapaminsalang bagyo muna ang dadaan,

Bago tayo makarating sa patutunguhan,

Bago maitapak ang mga paa sa katagumpayan,

Na siyang magiging simbolo ng iyong katapangan,

At ang sikat ng araw ay muli nating mapagmamasdan.

No comments:

Post a Comment