Published by: Lloyd Agbulos
Date published: May 22, 2022
Time published: 11:28 AM
Mayo 20, 2022 naganap ang Research Exposition sa DVA Gymnasium ng Lyceum of Alabang na pinapangunahan ng strand na Home Economics at General Academic Strand. Ang naturang event ay nagbigay pagkakataon sa mga estudyante na ma-ilantad ang produktong bunga ng kanilang research study. Tampok dito ang mga pagkain at bagay na may kani-kaniyang naiibang katangian kumpara sa karaniwan nang nakikita o nakakain. Bukod sa mismong produkto ay tampok din ang mga nagagandahang presentasiyon ng bawat grupo sa kani-kanilang pwesto.
Ang Research Exposition na ito ay nagsimula ng 8:00 ng umaga at magtatapos ng 5:00 ng hapon. Sa tulong ng mga panelists at visitors na siyang sumusubok at tumitikim sa mga produkto ay may mananalong grupo na Best Product at Best Table. Nagkaroon din ng Intermission number mula sa mga estudyante ng Lyceum of Alabang bilang pang-libang sa mga bisita at siyang parte ng nasabing event. Ang basehan ng mga mananalo ay mula sa mga panelists at visitors na maaaring sumubok at tumikim sa bawat table ng mga grupo, maging sa paghusga sa presentasiyon nito.
Layunin ng Research Exposition na ito ang ibahagi ang kaalamang nakalap ng mga mananaliksik sa kanilang research study. Kaalinsabay ng pagtuklas ng bagong produktong mapapakinabangan ng lahat.
No comments:
Post a Comment