Wednesday, May 18, 2022

LITERARY: "Parte" ni Francine Dianne Ambayec

Published by: Lloyd Agbulos 

Date published: May 18, 2022

Time published: 12:42 PM


Kategorya: Tula

Tema: Eleksyon

Sipnosis: Ano nga bang kulay ang nararapat para sa ating hinaharap.


Halina't pagmasdan ang ating bansa

Hanapin ang kapayapaang hindi makita

Pagkakagulo't away na tao rin ang may likha

Di magkasundong partido lalong lumubha


Ang mga mamamayan sa ating bayan

Nagdudulot ng pagkasawi at karahasan

Ano nga bang mangyayari sa ating lipunan

Kung patuloy na nasisilaw sa kapangyarihan


Kulay ba sa kinabukasan ang magdidikta

Ilang pintura pa ba ang sa atin matitira

Upang malaman at mamulat ang mga mata

Kung ano ang importansya ng maliit na tinta


Patuloy na magsaliksik para sa kapakanan

Ipaglaban ng tama ang ating karapatan

Lahat tayo'y mahalaga't parte ng kasaysayan

Gawin ang makakaya para sa kasalukuyan

No comments:

Post a Comment