Saturday, September 17, 2022

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "BAGONG SILANG SA BAGUMBAYAN" ni Mark Jazzey Reyes


Published by: Amhiel Thare khorasani

Date published: September 17, 2022

Time published: 3:02 PM


Kategorya: Prosa

Tema: Tao laban sa magulong sistema.

Sinopsis: Sa kabila ng kakapusan at hinagpis ng buhay. May pag-asa pa ba o isusuko na?

May isang bayan na tinawag na bayan ng Manayab. Kilala bilang bayan ng mga mangmang. Puno ng bangayan at galit na tila ba'y nasa preso. Walang maayos na sistema kaya ang lahat ay nalilito kung bayan pa ba ito o impyerno. Patayan, sigawan, alitan at iba't ibang turo na wala namang patutunguhan. Ang mga sanggol ay nag-iiyakan ng dugo—ang lahat ay walang pakialam dahil wala silang alam kung ano ba ang maaaring paraan upang ito'y malampasan. Kaya't mas pinili na lamang nilang hayaan hanggang sa ito'y makasanayan na parang normal na lamang.

Isang lalakeng pulubi ang 'di sinasadyang makapasok sa bayan ng Manayab. Siya si Moran—madungis, mabaho, madaming sugat kaya't hindi inaakalang ito'y kukupkupin ni Aling Sopya. Si Aling Sopya ay isa sa pinaka matandang dalaga sa bayan ng Manayab dahil mas pinili nitong mag-alaga sa mga bata na inabanduna na ng kani-kaniyang mga magulang. Pinaliguan, dinamitan at pinakain nito si Moran at tinuring na pamilya. Habang sila ay sabay na kumakain. "Moran, Saan ka ba nanggaling at paano ka napadpad dito sa bayan ng Manayab?" tanong ni Aling Sopya kay Moran. "Ako ho ay nanggaling sa bayan ng Maharlika higit labing lima ang layo mula rito sa bayan ng Manayab," aniya. Ang daan patungo sa bayan ng Maharlika ay desyerto't kagubatan kaya't maliit lang ang pagkakataon na magkita ang dalawang bayan na ito. Ang Maharlika ay kilala bilang isang asensadong bayan at disente ang mga mamamayan. Habang sina Moran at Aling Sopya ay patuloy na kumakain ay nagtanong ulit si Aling Sopya kay Moran. "Hindi ba't ang bayan na iyan ay kilala bilang isang marangyang bayan? Ngunit bakit ka nagpunta rito sa aming bayan bagamat puno rito ng kaguluhan?"

"Pinalayas ho ako ng aking pamilya sa kasalanang hindi ko naman ginawa, kaya't mas pinili ko na lamang silang sundin at tuluyan na akong naglayas at naglakbay hanggang sa ako ay mapadpad dito sa bayan ng Manayab," tugon ni Moran kay Aling Sopya.

Sa tagal na paninirahan ni Moran sa bayan ng Manayab ay nakita na niya ang reyalidad na nangyayari sa lugar na ito. "Ibang-iba ang lugar na ito kumpara sa aming bayan." Sinabi sa kaniyang isipan habang naluluha ang dalawang mga mata. Lumipas ang taon, ang pamilya ni Moran ay nagtungo sa bayan ng Manayab upang magbakasakaling nandoon si Moran upang pabalikin sa bayan ng Maharlika dahil napatunayang hindi si Moran ang may sala sa kasalanang kanilang ibinintang may Moran. Nang magkita na si Moran at ang kaniyang pamilya, si Moran ay naguguluhan at napatanong kung bakit sila nagpunta rito. Pinaliwanag ng pamilya kay Moran ang nangyari at humingi ng tawad ang pamilya niya. Napalapit na ang puso ni Moran sa bayan ng Manayab higit na kay Aling Sopya na kumupkop sa kaniya kayat mahirap para sa kaniya na iwan ang bayan ng Manayab. Sapagkat walang nagawa si Moran kundi sumama at bumalik sa kanilang bayan ngunit siya ay nangako na babalik upang tulungan si Aling Sopya pati narin ang bayan ng Manayab.

Si Aling Sopya ay may dinaranas na malubhang sakit at dahil sa kakulangan na mayroon sa kanilang bayan ay hindi ito mapagamot upang gumaling at mawala ang karamdaman ni Aling Sopya. Makalipas ang dalawang taon ay tuluyan nang namaalam si Aling Sopya dahil sa paglala ng kaniyang sakit at hindi na kinaya ng kaniyang katawan. Pagsapit ng Abril, isang buwan ang nakalipas nang mamatay si Aling Sopya. Dumating si Moran kasama ang kaniyang pamilya upang magbigay ng tulong sa bayan ng Manayab at kay Aling Sopya. Nang mabalitaan ni Moran na wala na si Aling Sopya ay humagulgol ito at sinisi ang sarili sa pagkawala ni Aling Sopya. Ang pamilya ni Moran ay binigyan siya ng sapat na oras at panahon upang huminahon at kausapin. Nang si Moran ay nahimasmasan na ay mas lumalim ang kagustuhan nitong tulungan ang bayan ng Manayab.

Kinausap ni Moran ang Pamilya at sinabing, "Gusto kong iahon sa kahirapan at ayusin ang sistemang mayroon sa bayan ng Manayab dahil sa paraan na ito ay mapapasaya ko si Aling Sopya." Walang nagawa ang pamilya kundi sang ayunan ang kagustuhan ni Moran bilang utang na loob sa pagkupkop ni Aling Sopya kay Moran.

Nagsimula na ang pagbabagong inaasam-asam ng mga mamamayan sa bayan ng Manayab. Nagpatayo ng mga paaralan, ospital, palengke at iba't iba pang istraktura na makapagbibigay sa kanila ng oportunidad na matuto at makapagtrabaho na magsisilbing simula upang tuluyan nang makaahon sa kahirapan at mabago ang bulok na sistema na mayroon ang lumang Manayab.

Naging matagumpay at nabuo ang magandang samahan sa pagitan ng Maharlika at Manayab. Nagpatuloy ang magandang sistema at ekonomiya hanggang sa mga sumunod na henerasyon sa bayan ng Manayab na tinawag na na "Bagumbayan ng Manayab."

 

No comments:

Post a Comment