Monday, October 10, 2022

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: “Mga Nagwagi sa Eleksyon ng Departamento ng Junior High school, pinangalanan na!” ni Nash MIillares


Published by: Galano, Rhina Ruth T.

Date published: October 10, 2022

Time published: 8:25 am


Matapos ang labingwalong araw na paghahanda, pagkampanya, at pagboto. Naihalal na nga ang mga bagong lider na mamumuno sa departamentong Junior High School para sa taong 2022-2023.


Setyembre 30, sa ganap na 5:30 ng hapon ay pormal na inanunsyo ni Ginoong Kent Moreno ang mga nagwagi sa eleksyong ito. Narito ang mga pangalan ng mga bagong lider na piniling mamuno ng mga mag-aaral sa Junior High school. 


Presidente – Hannah Coronel

Bise Presidente – Pang Internal – Yanna Claveria

Bise Presidente – Pang External – Howie Quizana

Sekretarya – Szamantha Arciaga

Tagapag-Ingat Yaman – Kylee Abat

Auditor – Harold Caminto

Bussiness Manager – Gayle Carandang 


Tagahatid Impormasyon:

Baitang 10 – Nash Millares

Baitang 9 – Anne Placido

Baitang 8 – Jeck Saronhilo

Baitang 7 – Jenna Bahia


Setyembre 12 nang buksan ng Commision on Student Election ang pagpaparehistro at pagpasa na rin ng mga kandidato ng kanilang Certificate of Candidacies, sa tatlumpung-tatlong nagpasa ng COC ay tanging dalawampu't apat lamang ang pumasa sa pagsusuri at napabilang sa pinal na listahan ng eleksyon na ito. Kasama dito ang mga dating nasa posisyon na sina Hannah Coronel, Xenon Espeleta, at Alexa Espeleta.

No comments:

Post a Comment