Published by: June Robert De Guzman
Date Published: October 12, 2022
Time Published: 4:28pm
Klasipikasyon: Tula
Tema: Pagkaubos ng kakayahang ituloy ang pangarap.
Bawat hampas ng simoy ng hangin—
Ay siyang pagbawas sa init na aking inihahantad,
Kahit na anong tibay ng aking pagtayog;
Sa labis ng sidhi nitong yapos—
Sadyang gumuguho ang likas kong gapos.
Atas ko'y sigwa ay umagos,
Patigilin ang sandaling pagmulat nang lubos,
Hayaan ang paligid na madama ang saglit na unos,
Pabayaan ang paghilom ng aking galos—
Padaluyin ang danak ng mithiin kong ubos.
Biglain man ng pagkakataon,
Magdulot man ng duda sa kahapon,
Ito man ang dahuyhoy ng aking apoy;
Lulan ng naglaho kong usok ang bigo kong pagtangka—
At ang pag-usbong ng panibagong paglikha.
Photo by: Aixha Marasigan
No comments:
Post a Comment