Thursday, November 10, 2022

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Kaibigan" ni Gayle L. Carandang

Published by: Euleen Summer Garchitorena
Date Published: November 10, 2022
Time Published: 3:15 pm


Klasipikasyon: Tula
Tema: Mga taong kaagapay natin sa panghabang buhay.

Lahat tayo’y may kasamang kaibigan,
Ang tanging dulot sa ati’y kasiyahan,
At taong maaaring maging sandigan,
Sa mga oras na nangangailangan.

Sila’y mga taong handang umantabay—
Na sa atin nga ay handang umalalay,
Mga taong nandyan sa‘ting paglalakbay,
Upang hindi natin damdamin ang lumbay.

Hiling ko lamang ay hindi mo iwanan;
Pangako nati’y huwag mo kalimutan,
Sana ako ay handa mong madamayan,
Sa mga sandali na may kalungkutan.

Sobrang pagsasama nati’y napagkamalan,
Ang maraming tao ay naguguluhan.
Akala’y magkapatid nagmamahalan,
‘Di mapaghiwalay ng kahit ninuman.

Nang magpakilala saka lang nabatid,
Turingan natin ay parang magkapatid.
Hirap maghiwalay hindi mapapatid,
Ang ating ugnayang di matatagilid.

Kaya nga KAIBIGAN ang samo ko lang—
‘Wag na sayangin alalahanin lamang,
At patuloy na kasundua’y igalang,
Pagkakaibigan ay walang hahadlang.

No comments:

Post a Comment