Thursday, November 10, 2022

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Paggunita sa mga Sumakabilang Buhay" ni Gayle L. Carandang


Published by: Bianca Madeline Oloya

Date published: November 10, 2022

Time published: 12:05 pm


Klasipikasyon: Tula

Tema: Pag-alala sa mga namayapa 


Nakasanayan na ng maraming tao—

Lalo na sila ay mga Katoliko;

Nobyembre uno ay nasa sementeryo.

Bibisita sa kamag-anak sa nitso,

Dala’y kandila mayro’n pang bulaklak—


Na ang bango nya ay humahalimuyak.

Mga kamay nila ay may hawak-hawak;

Basket ng pagkain minsa’y tulak-tulak.

Karaniwang tanawin at namamalas.


Mga tao’y abala sa pagpupunas—

Ibabaw ng puntod ang kulay kumupas,

‘Pagkat isang taon mabilis lumipas.

Taimtim na dalangin ay inuusal.


Patay na kaanak kasama sa dasal—

At maaalala wala pang almusal,

Kaya’t kakainin baon na pandesal,

Kapag dumating pa ibang kamag-anak.


Iyong mapapansin lahat nagagalak,

At nagmamano kanilang mga anak—

Masayang balita sila’y humahalakhak;

Magtatagal sila sa buong mag-hapon


Sinasamantala nga ang pagtitipon;

Ibang matatanda nasa dapit-hapon.

Oras magkasama ay ayaw matapon—

May mga bata na ang inaatupag,


Ay tunaw na kandila na naglalaglag.

Nananamantala habang may liwanag.



No comments:

Post a Comment