Thursday, November 10, 2022

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Nagkakaisang Bansa" ni Gayle L. Carandang



 Published by: Amhiel Thare khorasni

Date published: November 10, 2022

Time published: 11:36 AM


Klasipikasyon: Tula

Tema: Pagdiriwang ng pagkakaisa ng mga bansa


Isang samahan din na pandaigdigan,

Kasali Pilipinas naninindigan.

Nagkakaisang bansa ‘di mapigilan,

Sa isang hangarin na kapayapaan.


Darating na araw ng kanyang pagsibol,

Mga pagdiriwang sa kanya patungkol.

Nagiging abala na ang mga iskol,

Mga pasinaya sadyang iuukol.


At sa pagpapatuloy ng pagdiriwang,

Na napigil din at tuloy natiwangwang.

Dahil sa pandemyang malas na katuwang,

Sa mga bansa ay dapat walang puwang.


Laging may bahagi mga paaralan,

Sa pagdiriwang kaganapang naturan,

Makikita sa marangyang kasuotan,

Na mga bansang kasapi ng samahan.


At kay gandang pagmasdan tigib ng kulay,

Lalo't mga bata syang nagtataglay,

Sa pagparada ay may alalay,

Ang tuwa ni Nanay syang gumagabay.


Paggunita nito dapat ‘di mawaglit,

Ang kahalagahan walang pumipilit—

Itanim sa isip mula batang paslit,

Mali ng mga bansa ‘di mauulit.

No comments:

Post a Comment