Thursday, November 10, 2022

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Pangarap" ni Gayle L. Carandang

Posted by: Danica Demaclid
Date Published: November 10, 2022
Time Published: 11:55 AM

Klasipikasyon: Tula

Tema: Ang pangarap ang simula ng bagong kabanata sa buhay na puno ng paglalakbay.

----

Hindi maikakaila mula pa pagkabata,

Tayo’y nagnanais mabagong kusa—

Ating kapalaran nais maging masagana,

Hiling ay buhay na maginhawa.


Bagaman may balakid na kinakaharap,

Lalong pinagbuti ating paghahanap.

Tumuklas ng dunong sa sariling lingap,

Maging mahirap man na sila’y maapuhap.


Pagtuntong ng mga paa sa paaralan,

Tanging layuni'y maraming matutunan.

Tataglayin, gugunitain, habang hinga'y rumaragasa,

Habang tinig ay namumutawi;

Tiyak hinaharap ay sisidlang hinintay.


Ang mga magulang ay magpupunyagi.

Sa buong suporta'y hindi lugi.

Minimithi'y natatangi.

Dulog sa Diyos—

Amang mapagkandili.


Kaya't pagsusumikap ay huwag bitawan,

Iisa ang usal ng bibig,

Sa lagiang pag dulog,

Siya'y tutugon.


Ang mga PANGARAP nawa ay malubos,

Sa huling araw hiling na hindi maghikahos.

Matutupad ang naisin simula pa nang musmos—

Itong buhay ay mayroong ligaya na dulot.

No comments:

Post a Comment