Friday, November 11, 2022

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Huwag na Kaibigan" ni Gayle L. Carandang

 


Published by: April Despi

Date Published: November 11, 2022

Time Published: 2:55 pm 


Klasipikasyon: Tula

Tema: Ang pagsunod sa batas ang ating ikaliligtas mula sa virus na mapangahas.


Natututo kaya ibang mamamayan?

Sa dulot ng “Virus” sa kapaligiran.

‘Di yata kasali pagdapa ng bayan,

Ayaw na mawala itong tuluyan.


Alinsunod sa ating Pamahalaan,

Gawin ng tama mga patakaran,

Upang maiwasan ibayong hawahan,

At ng mapuksa na ito ng lubusan.


Ang mga simpleng batas na dapat sundin,

Napakahirap ba na ito’y tuparin?

Nag-tatalotalo sa mga tuntunin,

Kaya hindi lahat ay nasusunod din.


Kailangang higpitan ang disiplina;

Dapat ipatupad sa tuwi-tuwina,

Sa layunin natin na makakamit na,

Magtulungan tayo sumunod na muna,


Sa ngayo’y nagluwag sa pagtitibay,

Nawa’y lumawig pa matapos nang tunay,

Upang bansa natin na nanlulupaypay,

Makabangon na nga sa krisis na taglay.


Kung kokontra man, HUWAG NA KAIBIGAN!

Sa karaniwang buhay na kinagisnan,

Ay mabalik na tayo matagal inasam,

Pandemyang ito dapat ng kalimutan.

No comments:

Post a Comment