Thursday, January 19, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: KAPITULO '23 ni Mark Reyes



Published by Mea Nicole Osias

Date Published: January 19, 2023

Time Published: 11:54 AM

Kategorya: Tula

Tema: Paghahanda at pagsalubong sa panibagong taon


Handa ka na ba?

Naghilom na ba,

Ang mga sugat na natamasa?

Dahil paparating na s'ya—

S'yang nagbibigay ng suga't mga pasa.


Tapos na ang binuklat na pahina.

Natuklasan na ang mga bunga.

Lahat na ng emosyon ay nadama.

Para sa ilan ay maligaya,

Para sa ilan ay sobra na.


Iba't ibang mga kwento,

Sa iisang kapitulo.

Sa iba'y pabor sa kanila ang dulo,

Ang iba'y napighati sa 'di inaasahang tapos nito.

Ang iba nama'y 'di na umabot sa dulo.


Ngunit ito ang tandaan n'yo:

'Di na mahalaga kung ano na katapusan ng iyong kapitulo.

Kasing saya man 'to ng ibon sa alapaap,

O kasing saklap man ng tao sa gitna ng karagatan.

Mahalaga'y tinularan mo ang isang kawayan.


Kawayan na handang buksan ang panibagong pahina,

Sa kabila ng mga 'di kaaya-ayang sakuna.

Nandito ka pa rin at umaasa—

Na ang parating na kapitulo'y hatid ay pag-asa,

Inaasam na ang ginhawa'y matamasa.


Panahon na para kalimutan,

Ang mga nagdaang kalungkutan.

Ihanda ang sarili,

Sa pag bukas ng panibagong pahina'y,

Siguraduhing hindi magsisisi.


Handa ka na ba,

Na ang bagong pahina'y buklatin?

Kasabay ng pagbuklat ay 'yong tuklasin.

Kumilos na't manalangin—

Na ang kapitulo '23 ay sumang ayon sa'tin.

No comments:

Post a Comment