Thursday, February 23, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Pundidong Ilawan" ni Mark Reyes

Published by Mea Nicole Osias

Date Published: February 23, 2023

Time Published: 12:35 PM

Kategorya: Tula


"Mahal Kita!"

Kay sarap pakinggan hindi ba?

Salitang inaasam ng karamihan,

Salitang nagpapatibay ng kalamnan.

Marahil nga ay mahal mo ako.


Ngunit pa'no ko masisiguro,

Na ang pag-ibig mo'y mananatili—

Hanggang sa pag kagunaw ng mundo—

Pa'no ko masisiguro na hindi bumbilya,

Ang kasingkahulugan ng pag-ibig mo?


Kaya'y 'di matakbuhan ang takot;

Takot na baka pagsapit ng araw ay,

Pundido na ang pag-ibig mo.

Baka pagsapit ng gabi'y,

'Di na ako ang tahanan mo.


Tila ako'y isinilang kahapon,

At may malaking palaisipan,

Sa kung anong dahilan ng 'yong paglisan.


Marahil nga ay mahal mo ako—

Ngunit hanggang kailan at

Hanggang saan mo mapanghahawakan,

Ang salitang binitawan?


Sa pagpundi ng iyong ilawan,

Ako sana'y maliwanagan,

Kung ano ang dahilan.

Kaya ito ang iyong tatandaan:


Tapatin mo ako aking mahal,

Kung wala na ang pagmamahal.

Mas pipiliin kong masaktan,

Kaysa mahalin nang napipilitan.



No comments:

Post a Comment